Teardrops smt token rewards: Ang Aking Pasasalamat Sa Aking Magulang

in #philippines7 years ago

image
Ang humihilab niyang sikmura'y nakapagdadag pa ng pasakit habang papunta sila ospital na iyon. Hindi ko rin alam anong gagawin ko sa loob ng sinapupunan ng nanay ko. Malay ko ba kung bakit ako naroon sa loob ng tiyan niya. Siguro nga ay hirap na hirap na ang aking ina sa kanyang kalagayan sa mga oras na iyon, pero alam ko na sa mga oras na iyon walang kapantay din ang sayang nararamdaman niya kahit na nasasaktan siya sa pagluluwal sa akin. Unang bata na lalabas mula sa kanyang matres, kaya't pasasalamat sa Diyos ang kanilang dasal, alam ko sa mga oras na iyon ay mahigpit na pagmamahal ang ibibigay nila sa akin. Dahil sa ako ang panganay naging mas mapursige pa silang sipagan ang kanilang pagtitinda ng isda upang makaipon at magamit ito isa aking pag-aaral.
Mga mamahalaing gatas na kanilang pinaiinom sa akin, pag aarugang hindi natatamo ng ibang bata, at maginhawang buhay na ibinigay nila sa akin, pasasalamat koy nasasa kanila sa mga binigay at ginawa nila para sa akin. Mga pagsasakripisyo nila sa pagtitinda ng isda para lang akoy mapalaki ng ayos.
Dumadaan ang panahon at lahat ay nagbabago, ang katawan koy nahuhubog at lumalaki na ng tuluyan. Ang mga kinakainn ko araw-araw ay galing pa rin sa kanila na pinaglaanan ng dugo't pawis upang maibigay laang sa akin, pati aking mga damit na kay mahal ibinibigay nila upang akoy lumigaya. Pagtatrabaho araw araw ang kanilang naging ehersisyo, pagtitinda ng isda na sadyang kay hirap ay tinitiis nila para sa akin. Sa lahat ng pagsasakripisyo nila madaming nangyaring maganda sa aming buhay, sariling bahay ay nakamtan, at isang kapatid na babae ay dumating din sa aming buhay, at iyon ay sa kanilang sakripisyo.
Nagpapasalamat ako sa kanilang talino at naturuan nila ako ng kabutihang asal. Mga bagay na aking kailangan kanilang binibigay, pati kagustuhan kanilang inialay, mga mamahaling gamit sa akin ay ibingay. Laptop, cellphone, at marami pang iba, mga bagay na galing sa kanila, ngunit hindi mapapantayan ang pasasalamat ko sa kanila kahit na ano pang gamit ang ibigay nila sa akin.
Aking pagpasok inalalayan ng aking pamilya, baon, pagkain, uniporme, sapatos, at mga pangangailangan sa eskwela, lahat yan ay binigay nila sa akin mapaganda lang ang kalagayan. Pagtangkilik sa babae sinuportahan, pangbigay ng bulaklak dinagdagan, at higit sa lahat aking mga kagustuhan ay kanilang ibinigay. Pagaaral na sinabi aking pinahalagahan hangang pagtanda.
Ngayon ako naman, ako naman ang gagawa ng kabutihan para sa kanila, ako naman ang magbibigay ng pagpapahalaga at pagmamahal sa kanila. Magiging magaling ako sa eskwelahan at magiging isang mabuting anak upang maipakita ko ang aking pagbawi sa kanila, dapat na maging isang mabait na anak sa kanila. Habang sila ay patanda ng patanda, ganon din kami tumatanda din kami at mas maraming bagay ang mga nalalaman at natututunan namin. Kaya habang bata pa ay sinusulit kona at buong pagpapasalamat ang inaalay ko sa aking pamilya na siyang nagluwal at bumuo sa aking pagkatao, pamilya ko ang nagbigay disiplina sa akin, pamilya ko ang nagturo ng kabutihan sa akin. Hindi mapapalitan ng kung sino man ang aking mga magulang. Proud ako sa meron ako at ipinagmamalaki ko sa buong mundo na akoy anak ng mangingisda na ginagawa ang lahat para sa amin. Buong pasasalamat sa aking oamilya ang aking inaalay, pagmamahal nilay dadalhin hanggang pagtanda, mawala man sila ay hinding hindi namin sila malilimutan. Salamat mama at papa.

Thank you for dropping by!
@surpassinggoogle has been a wonderful person and please support him as a witness by voting him athttps://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnessesagain and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
image

Sort:  

Hold lang. 😊😇

Family is the best talaga :)

Yes po. Before anything else, family po talaga😊

Te visitamos.
@teardrops SMT imaginario de @surpassinggoogle te ha enviado una lagrima de alegria.
Te mencionamos aqui

A Tear Now Has Value # 10