Ang dulot ni SUPER TYPHOON ODETTE

in Steemit Philippines3 years ago

Maligayang pagbati sa inyo! Kamusta na po kayo? Kayo po ba ay nasa maayos na kalagayan? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan.

Matagal tagal narin simula noong nag post ako dito, dumating kasi si typhoon odette dito sa aming lugar kaya lahat kami ay nawalan ng signal, nawalan din ng kuryente at tubig. Kaya lahat ng tao ngayon ay mas lalong naghihirap, lalo na yung nagtitinda ay pinataas na ang presyo kaya nahihirapan nadin ang mga tao sa sugbong lakbayan sa lapu lapu na bumili ng kanilang pangangailangan, napakaraming epekto na dulot ni typhoon odette.

December 16,2021,

Ang siyang pagpasok ni super typhoon odette, maraming bahay nasisira at may mga hayop din namamatay nang dahil sa typhoon, first time ko makaranas ng ganito di ko akalain na makaranas din ako ng ganitong sitwasyon akala ko hanggang sa balita lamang ako makakakita nang ganitong kalaking epekto ng dulot ng typhoon di ko akalain na makaranas ako ng mga ganitong sitwasyon.

IMG20211217070136.jpg

Isa nadin ang aming bahay na nasira ng dahil sa bagyong odette napakaraming nasira sa amin yung mga bigas namin ay inanod ng baha yung mga iba din naming gamit naanod din kaya todo hanap naman kami baka makita pa namin yung iba pa namin gamit na magagamit pa, ang lakas ng typhoon dahil halos lahat ng lugar namin ay nasira kaya tila parang na shock ako dahil grabe sobrang lakas talaga ng typhoon.

IMG20211217053847.jpg

Isa nadin yung bahay ng nanay ko kapatid ng mama ko walang natira ni kahit isang haligi na lamang lahat ng bahay niya gumuho buti nalang ay agad sila naka punta sa safe na lugar kaya nasa maayos na silang kalagayan ngayon kaso ngalang isa sa mga aso niya ay namatay dahil naipit ito sa bahay niyang gumuho na kaya labis nalungkot yung nanay ko dahil namatay na si banana yung aso niya, kahit ako ay naawa din dahil kay odette may nawalan ng isang buhay kahit aso man yun ay mahal na mahal yun ng nanay ko.

Kaya ang masasabi ko sa super typhoon odette ay napakalakas niya may mga bahay nasisira at may nawalan nadin ng mahal sa buhay, tao man o mga hayop ay isa din sila mahalaga sa atin.

Hanggang dito na lamang po ako at maraming salamat.

By: @agentlin423