"Literaturang Filipino: Uhaw sa Edukasyon"

in #cebu7 years ago (edited)

IMG_20180317_202231.jpg

Sa malayong bayan ng Batangas kung saan hindi nakaka-abot ang teknolohiya, nakatira ang pamilya Perez.

Ang mag-asawang sina Choling at Indo ay may anim na lalaking anak, sina Jenel, Jeff, Kevin, Dibon, Rey at Joey. Sa anim na magkakapatid tanging si Joey lang ang naghahangad na maka ahon sa hirap. Siya lang ang nag nanais na makaranas ng maginhawang pamumuhay para sa kanilang pamilya.

Isang araw habang siya'y nangangalap ng makakain, hindi sinasadyang makakita siya ng mga dayuhang gumagala sa kanilang bayan. Ito'y nakasuot ng mga mamahaling damit na tila'y mga prinsesa't prinsipe sa ganda at kintab ng kanilang kasuotan. Siya'y nabighani sa mga dayuhang nakita. Dahil sa kanyang kagustuhang makahawak ng ganoong klaseng mga gamit, pinuntahan niya ang mga dayuhan at akmang hahawak sa kanilang mga suot. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, si Joey ay itinulak ng isa sa mga dayuhan at sinabihang, "Sino ka? Bakit gusto mong hawakan ang suot namin? Hay nako! Ang mahihirap talaga gusto ding makuha kung ano ang meron kaming mga mayayaman".

Sa mga oras na yun, isa lang ang pumasok sa isip ni Joey. Ang makapagtapos ng pag-aaral at ang maiahon ang kaniyang pamilya sa hirap. Tumayo si Joey at nagsimulang magtungong muli sa kanilang maliit na kubo. Sa oras na natanaw na niya ang kaniyang mga magulang, yumakap at humagolhol ito sa sama ng loob. Nagdesisyon si Joey na makipagsapalaran sa Maynila upang mag-aral.

Kinabukasan, lumuwas si Joey patungong Maynila. Doon nakasalamuha siya ng iba't ibang klase ng tao. Natutunan niya'ng mamuhay ng mag isa at ipag patuloy ang pakikipag sapalaran na siya lang. Ginawa niya ang lahat upang magkaroon ng sapat na ipon na maaari niyang gamitin upang makapag simula nang mag-aral. Pinasok niya ang iba't ibang trabaho. Pawis at dugo ang ibinuhos ni Joey upang maipon ang perang gagamitin niya upang makapag-aral. Habang siya'y patungo sa isang unibersidad sa Maynila, hindi inaasahang hinalbot ng isang naka maskarang lalaki ang kanyang bag. Hinabol ni Joey ang lalaki ngunit sa kasamaang palad, ito'y nakatakas na kasama ang isang lalaking naka motor.

IMG_20180317_202600.jpg

Umiyak at napa upo si Joey na bitbit ang sama ng loob sa nangyari. Wala siyang ibang magawa, ni piso wala siya naisalba. Humingi ng tulong si Joey sa mga taong nadadaanan niya. Ngunit ni isa'y walang gustong makipag-usap sa kanya. Nagdesisyon si Joey na bumalik na sa kanilang probinsya. Dala ang hinagpis at sakit buhat sa nangyari sa kaniya sa Maynila. Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ng kaniyang ama't ina habang bungang bibig ang salitang tahan na.

Kahirapan ang minsa'y puno't dulo ng lahat na klase ng kasawian. Ngunit ito rin ang dapat nating gawing inspirasyon upang ipagpatuloy ang dedikasyong makamit ang tagumpay'ng ating minimithi.

Sort:  

Nice miss

Select me friends

Thank you 😊

Wow diko inakalang makakarating pala ako ng batangas 😂

Hahahahaha sge lng gud bon 😂

Ang husay ng pagkakagawa parang pang MMK, hope to see more posts from you @annedyosa.

You are always welcome @annedyosa

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Napaka husay mo sa paggawa ng storya binibining ganda hahah

Thank you nong 😊

Hi mom, Im on steemit.

Hahahahahaa vovo 😂

Kawawa naman si Joey, umuwi siyang bigo. Ayos lang iyan ang mahalaga ay kumpleto ang pamilya. Mahirap talaga ding maghanap ng trabaho.

Salamat sa paglikha ng Tagalog na akda! Naway palarin po kayo sa patimpalak ng steemph.cebu

Maraming salamat 😊

😱 good post!!!; 😱

Thank you 😊

Thank you 😊

This comment has received a 0.19 % upvote from @speedvoter thanks to: @ssambalim, @ssambalim.