The Diary Game Sept.20 2021 : Ang Panibagong Systema ng Pag aaral ng Elementarya sa Publikong Paaralan

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw mga ka Steemit at sa lahat ng mga kaibigan ko dito sa Steemit Philippines Community.

Ngayong araw ay ibabahagi ko ang panibagong systema ng pag aaral ng aking mga anak ang online class.

FB_IMG_1632307029427.jpg

Kahapon ay namili ako ng gamit ng aking mga anak para sa kanilang online class.Bumili ako ng notebook, papel , art materials , crayons, lapis, ballpen at iba pa.Ito ay kinakailangan ng mga bata para sa kanilang online class.

IMG_20210920_163136.jpg

IMG_20210920_163122.jpg

Noong nakaraang taon ay pinili ko ang module dahil hindi nag offer ang paaralan noong nakaraang taon ng online class.Masasabi kong napakalaki ng kaibahan ng online class sa module lesson.

IMG_20210921_130206.jpg

IMG_20210921_125757.jpg

Aminado akong walang natutunan ang anak ko na lalaki sa module lesson dahil ako ang sumasagot ng modules niya.Mabuti na lamang at may online class na ngayon na mapagpipilian.

Ngayon ay nag umpisa na silang mag online class at mas may natutunan sila dahil na eexplain ng teacher nila online ang tungkol sa kanilang pinag aaralang leksyon.Nakikita rin nila ang kanilang mga kaklase online at mas na iinganyo silang mag aral dahil parang na rin silang nag face to face class nakakapag participate sa oral recitation.

FB_IMG_1632307017495.jpg

Maliban sa klase sa online ay may mga activities din sila online gaya ng excercise, kanta at pagsasayaw.Meron ding mga pinapagawa sa kanilang mga scrap book.

IMG_20210921_131622.jpg

IMG_163219384961F.jpg

Masasabi kong mas nakaka excite at may mas natutunan ang mga bata ngayong pasukan kesa noong nakaraang taon na pasukan.

IMG_20210920_113653.jpg

Nagpapasalamat ako na mayroon ng online class ngayon ang public school dahil mas may natutunan sila sa kabila ng pandemya na dulot ng covid ay nagagawan pa rin ng paraan ng gobyerno at Dep Ed na magkaroon ng maayos na kaalaman ang mga bata.

Maraming salamat sa pagbabasa ng aking post ngayong araw na ito.

#betterlife #thediarygame #philippines #steemexclusive #steemitphilippines #thediarygameph

Sort:  
 3 years ago 

Malaki ang hamon na kinakaharap ng ating mga studyante ngayong panahon ng pandemya, ang gabay ng magulang ang kinakailangan, salamat sa pagbahagi ng iyong diary post 😊😊

Godbless

 3 years ago 

Ay maganda pala yang online na yan kaysa modules. Okey yan ahh maaliw ang mga bata.

 3 years ago 

uu sis parang tlga sis nag face to face class na rin kahit papano may natutunan

 3 years ago 

Ok nga yan pero Di puede dito dahil hindi lahat meron gadgets at mahina ang signal sa ibang Lugar. Nong nakaraan naman si Antonia talaga pinapagawa ko ng mga aralin nya at nagle-lecture Ako pag meron syang hindi maintindihan.

 3 years ago 

Bago tanggapin ng online class teacher te tinatanong muna if maayos ang internet connection at kung may gadgets for online class.

 3 years ago 

Dito sa amin hindi available ang online class. Printed and offline modular lang.

Sana hindi na tumagal yang current setup. Ang daming namimiss ng mga bata dahil sa online classes. Iba pa din yung nakikipaglaro at nakikipag away ka sa mga kaklase mo.