The Diary Game (April 21, 2022) | Day Off at Grocery, Konting Power Up at Delegation

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang Hapon po sa Inyong lahat!

Kamusta po kayo? Medyo matagal na ako hindi napagPost dito sa ating community. Naging abala na po ako sa aking trabaho. Dahil balik full operation na po kami pagkatapos po ng isang taon din na working from home. Kaya back to 8 hours work away from home na.

Pero noong Monday day off ko, kaya nagpasya kami ng aking asawa na maggrocery at isama ang mga bata. Matagal na rin kasi hindi kami nakalabas na mag-anak. Pero kasi nagmomodule pa rin ang mga bata, kailangan kong ihatid and kunin mga modules sa paaralan nila sa umaga. Sa hapon kami umalis at nagpunta sa isa sa mga pinakamaliit na mall dito sa aming lugar. Sympre ako ang driver palagi sa lahat ng lakad namin. :D

Habang naglalakbay kami, ang aking asawa naman ay abala sa pagkuha ng litrato sa daan. :D Maganda ang panahon noong Lunes.

Sa parteng Banilad, Cebu City po ito.

278913920_361595762682448_3148800490514223746_n.jpg

278894617_677251353389984_2807269966870370078_n.jpg

Eto papasok na kami sa parking lot ng Gaisano Country Mall. Sa Gaisano Country Mall pala ang punta namin para maggrocery.

278980739_548753346582852_5888878299719601887_n.jpg

Tuwang tuwa mga bata kakalakad at kuha ng mga gusto nila. Pero sympre yung nasa budget lang. Hirap naman lumampas sa budget. Kaya kinukonsulta muna nila sa amin kung pwede ba bilhin ung mga item na kinuha nila.

278852599_727221554948655_3693419091148536762_n.jpg

At ayun isang oras mahigit din kami sa grocery. Namili din kasi si asawa ko ng mga ingredients niya sa kanyang mga food vlogs. Pagkatapos namin doon may pinuntahan pa kaming iba. At nakauwi kami sa bahay ng mga alas 6. Naabutan na rin kasi kami ng matinding traffic dahil uwian na ng mga tao. Napagod ako sa kakadrive. :D Pero okay lang. Ang importante eh masaya kami mag-anak.

Sya nga po pala, nagpower up pala ako 16 days ago ng 34.929 Steem at nilakihan ko po ang delegations ko kay @steemitphcurator. From 150 to 300 SP.

image.png

image.png

Maraming salamat po sa pagbabasa ng aking diary ngayon.

Hanggang sa muli!

Ang inyong kaibigan,

Arjay

Sort:  
 2 years ago 

Congratulations

 2 years ago 

Thank you po!

 2 years ago 

Buti nalang malalaki na mga anak ninyo sir,,naalala ko dati habang mag grocery kami, mag pa karga yung anak ko tapos may bitbit pa akong groceries. Pero happy pa rin.

 2 years ago 

naranasan din po namin ang ganun na stage sir. tapos may iyakan pa. hehe

 2 years ago 

Good for you guys! Precious moment talaga pag kasama ang buong pamilya ano. Aabangan namin next vlog ni misis mo.

 2 years ago 

Totoo po. kaya if may chance to create memories sa mga anak namin, grab namin. Thank you po sa pagbisita.

 2 years ago 

Nice grocery bonding and Congrats on your power up.

 2 years ago 

Thank you po!

 2 years ago 

Congratulations!

Booming EligibilityRemarks
Club5050 eligible
Not user of any bots
Plagiarism free
At least 300 words

This post has been recommended for booming support today. Continue creating quality content here at Steemit Philippines Community.
Maraming salamat po.🙂

 2 years ago 

Thank you Maam.

 2 years ago 

nung bata ako naeenjoy ko talga mag grocery kasama si mama.. kaya i know how happy the girls are in those moments ..hhe

 2 years ago 

happy na happy sila.

 2 years ago 

Yay ...

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68118.27
ETH 3793.84
USDT 1.00
SBD 3.46