The Diary Game (Aug 3, 2022) - Side Trip (Bisita sa Pamilya ko sa Laguna) Bago Annual Planning

in Steemit Philippines2 years ago

296321621_2967719873527686_479618442719863390_n.jpg

Magandang Araw po sa inyong lahat!

Ito naman po ako at magbabahagi ng mga pangyayari sa aking buhay. Medyo matagal-tagal din ako nakabalik na magsulat dito. Alam niyo naman po abala din ako sa aking trabaho. Itong ibabahagi ko ngayon ay tungkol sa aking biyahe papuntang Luzon noong July 23-25, 2022.

Bawat taon po kasi meron kami annual planning kasama ng ibang mga ka-department ko sa Manila. Pag mga ganitong mga pagkakataon, nagpapaalam ako sa aking boss na bibisita ako sa aking mga magulang sa Laguna mga iisa o dalawang araw bago ang aming event sa trabaho. Pumayag naman sya. Ang aming annula planning ay sa July 25, Lunes. Ang ginawa ko advance na ako bumiyahe pamuntang Luzon ng July 23, Sabado ng sa ganun ay mabisita ko ang aking nanay at tatay at mga kapatid.

July 23 ng madaling araw ang flight ko papuntang Manila.

294507545_768761087884080_7436512055469624738_n.jpg
Kumuha ako ng larawan. Pero noo ko lang ang nakuha :D

Pagdating ko doon kailangan ko pang sumakay ng bus ng mga dalawang oras. Buti nalang maaga ang biyahe ko at iwas na rin sa traffic.

296787927_737823163971033_1533725982880198816_n.jpg
Ito naman ang sa bus.

Pagdating ko sa amin masaya akong sinalubong ng aking nanay, tatay at mga kapatid. Namiss ko rin sila. Mga anim na buwan na rin ang nakalipas noong kami ay nagbakasyon dito ng aking pamilya. Ang dami kong gustong gawin na kasama ko sila. Noong kinagabihan kumain kami ng aking bunsong kapatid kasama ang kanyang girlfriend at ang aking pamangkin sa isang restaurant sa Pagsanjan.

295827036_649403226045179_2546869274066080612_n.jpg

296296984_571474394523626_1793146782775857761_n.jpg

Umurder ako ng Ceasar salad. Kala ko konti lang, ayun pala ang dami. Pero okay lang masarap naman.

Araw ng Linggo ako ay nagsimba, nakita ko na naman ang mga churchmates ko doon sa Laguna.

Linggo ng gabi, nagkaroon kami ng salo-salo buong pamilya. Kasama ang mga pamilya ng aking mga kapatid. Masaya kami nagsalo-salo at ngkukuwentuhan tungkol sa buhay2x ng bawat isa.

296008387_808415296987723_8278847480503056759_n.jpg
Ito ang buong Yuson Family maliban sa aking asawa at mga anak na nasa Cebu.

Kinabukasan kailangan ko ng umulis at magpunta na sa training venue namin sa Rizal. Nagpahatid nalang ako sa aking bunsong kapatid doon sa venue para hindi na ako pumunta pa ng Manila. Dumiretso na ako doon at doon na kami magkita-kita ng aking mga kasamahan. Umalis kami ng mga alas 5 ng umaga. Saktong sakto, alas 8 pa naman ang simula ng aming event.

Marami pa kami nadaanan, isa na doon ang Pililia windmills. Ang ganda talaga ng Pilipinas. Maraming mga magagandang tanawin.

296272708_809321606739519_4082741071184673766_n.jpg
Ako at ang aking kapatid.

Ang event namin ay buong araw. May team building activities at kainan. Matagumpay po ang event namin.

296477331_1245624859607672_3066159538361106505_n.jpg
isa sa mga activity na ginawa namin.

296809003_774741953565293_6439153653029962424_n.jpg
ito po name ng venue ng event, Quest Adventure Camp.

Alas 5 na kami umalis sa venue pabalik na ng Manila. Naatasan pa akong magdrive from the venue hanggang Quezon City, sa aming main office. First time ko magdrive sa Manila. Mejo kabado ako pero mabuti naman at nakarating kaming ligtas at walang aberya sa daan. Pagdating doon sa main office namin, hinatid na kami ng aming kasamahan papuntang airport para sa aming flight pabalik na ng Cebu.

295812627_576488680702821_2715992995167379485_n.jpg
Ito yung sasakyan na minaneho ko papuntang Manila.

Ang aking mga anak pala ay lagi namemensahe at tawag sa akin habang nasa Luzon ako. Kaya tuwang tuwa sila noong malaman na pauwi na ako. Hinintay talaga nila ako. Mga 11 na ng gabi ako nakarating sa bahay dala ang mga pasalubong na mga pagkain galing sa Laguna.

Sympre masaya ako na nakauwi na rin at nakapiling ko na ulit ang aking asawa at mga anak. Iba pa rin na kasama sila. Nagpapasalamat ako na ligtas kami lahat.

Hanggang dito nalang po at maraming salamat sa pagbabasa.

Ang iyong kaibigan,

Arjay

Sort:  
 2 years ago 

Ay galing naman work kasamang vacation sa place ninyo. Laki din pala ang Family Yuson.

 2 years ago 

Yes po. Take ko na rin po yung pagkakataon na makavisit sa aking nanay at tatay.

 2 years ago 

ang galing sir at nakapag bisita ka pa ng laguna dahil jan sa mga events ng company!

for sure masaya ang mga girls sa pasalubong ninyu!

StatusRemark
Club status#club75
#steemexclusive
Verified member
Not using bot
Word Count300+
Plagiarism Free
Delegator

Luzon Mod,
@junebride

 2 years ago 

maraming salamat Maam.