The Diary Game (June 30, 2022) - May Bago Akong Motor

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang Araw mga Kaibigan!

I know, ang tagal ko na nanaman nakabalik magsulat dito. Alam nyo naman abala ako sa aking trabaho at maraming pang ibang bagay. Pero ngayon gusto ko lang din ibahagi sa inyo na may bago na naman akong motor. hhehe

Kung naalala ninyo, may nabanggit ako dati na mahilig talaga ako sa motor. Nagkaroon na ako ng maraming motor sa buong buhay ko. At eto na nga, binenta ko yung dati kong motor na Mio Soulty na kulay purple. Pansin ko kasi hindi sya tipid sa gasolina. At alam nio naman po eh ang mahal ng gasolina ngayon. Kaya nagpasya akong palitan ito ng Fuel injected na motor.

241359287_4257784674290586_7429634591253783107_n.jpg

Ito yung motor ko na binenta ko noong aking kaarawan. Timing na timing na may naghahanap ng motor sa FB Marketplace at nagkasundo kami sa presyo.

Saan ko nabili ang latest ko na motorsiklo?

Binibenta din ng aking father-in-law ang kanyang motor na Suzuki Skydrive FI. By the way, si Papa (father-in-law) ay nakatira sa Negros Oriental. Naisip namin nga asawa ko na tawagan ang Papa niya at sabihing kami ang bibili ng kanyang motorsiklo. Noong una, may presyo syang sinabi na mejo nataasan ako. Kaya sinabihan ko si @me2selah, ang aking asawa na tawaran ang presyo. :D At ayun pumayag naman sya.. hehe

Ngayon oras na na kunin ko ang motor. Nag-usap kami ni Papa na magkita nalang kami sa Bato, Samboan Cebu. Sa Cebu South ito. Andito ung pier para makatawid pa Negros Island. Ang usapan namin ay makita lang kami sa Bato Pier at dala na nia ang motor. Bale sya lang ang tatawid dala ang motor niya. Pumuyag naman sya.

Umalis ako ng bahay ng mga alas 3 ng madaling araw. Sumakay ng bus sa South Bus terminal at nakarating ng Bato mga alas 8 na ng umaga. Tamang tama parating na rin ang barko na sinakyan ni Papa.

At ayun nagkita kami at kumain muna ng agahan at inabot ka na rin sa kanya ang bayad sa motor nia. Binigay na rin nia ang mga papeles ng motor at sympre yung motor mismo. :D

281543297_2180198245478025_1704281749086089449_n.jpg
Nagselfie muna kami, pinadala ko ito sa aking asawa noong araw na nagkita kami, para proof hehe.

Matapos naming kumain at nag-usap nagpaalam na rin kami sa isa't isa para masimulan ko na rin ang aking biyahe pabalik ng Cebu City at uuwi na rin si Papa sa Negros.

Bago ako nagtuloy-tuloy ng takbo, huminto muna ako sa Santander at nagpicture. Ito na pala ang motor ko ngayon. Matipid sa gasolina.

283449599_1585473218502938_2114407642932698206_n.jpg

283552490_495569688923553_5309200517262658623_n.jpg

Nakarating ako ng bahay ng mga alas 2 na ng hapon. Pagod2x pero okay lang. At least ngayon, hindi na ako masyado mag-alala sa gastos sa gas. :D Masaya ako at nakarating ng ligtas sa aming tahanan sa Cebu at si Papa din nakauwi din ng ligtas.

Nangyari po pala itong noong isang buwan, pagkatapos ng aking kaarawan.

NagPower up din po pala ako ng konti. ito po screenshot sa baba.

image.png

Maraming salamat po sa pagbasa hanggang dito. Ingat po tayong lahat.

Ang inyong kaibigan,

Arjay @arjayyuson

Sort:  
 2 years ago 

ayos ahh.. plan din namin bumili ng motor na pwede maksakay ang bata gaya nyan... yung motor kasi namin na aerox naiwan sa oslob, andun kasi ang family ni husband

 2 years ago 

Kanice sa inyo motor sis.

 2 years ago 

tua ras oslob nabilin sis.. ganahan unta ko dad on dire pero di pod gusto si james ...

 2 years ago 

Congratulations sa bagong motor, sir. Natawa ako sa picture para proof. hehe and congratulations sa power up din po.

 2 years ago 

Recibo ng selfie sis lol

 2 years ago 

Hello, this post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.

Congratulations!

Mindanao Moderator
@long888

 2 years ago 

Thank you sir!

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68096.92
ETH 3795.66
USDT 1.00
SBD 3.59