The Diary Game (October 26, 2022) - Biyaheng Pa Negros

in Steemit Philippines2 years ago (edited)

Magandang araw po sa inyong lahat!

Matagal-tagal na naman ako nakapagbigay ng update sa inyo dito. Alam nyo naman po eh busy ako sa trabaho. Pero ganun pa man gusto ko lang din ibahagi sa inyo na nakapagbiyahe na naman kami papuntang Negros dalawang linggo na nakalipas.

Binisita namin ang pamilya ng aking asawa. Ang aking asawa ay pinanganak at lumaki sa Negros Oriental. Kasalukuyan doon nakatira ang kanyang ama at mga kapatid at ang kanilang mga pamilya.

Dala namin ang aming sasakyan papunta doon. Nagbiyahe kami pa Cebu South para sumakay ng barko sa Santander, Cebu patawid sa isla ng Negros. Malayo din ang biyahe namin. Galing ng bahay hanggang Santander ay nasa 130+ kilometers. Sympre ako ang driver. Walang iba. ehehe Hindi rin marunong magdrive si misis.

311441439_508297930853304_7769381183899961028_n.jpg
Itong larawan na ito kuha ni misis noong kakaalis lang namin ng bahay.

Umalis kami ng mga alas 7 ng umaga at nakarating kami ng Santander ng mga 12 ng tanghali. At yung barko naman na sasakyan namin patawid ng dagat ay aalis ng 1:30 ng hapon. Naghintay lang kami saglit at ayun biyahe ulit.

312318724_1129386191304346_8570874894629431723_n.jpg

Eto nasa barko na kami. Yung sasakyan namin ay sakay din ng barko. 30 -45 minutes yung biyahe patawid. Bababa kami sa Port ng Sibulan, Negros Oriental. Pagdating doon bibiyahe pa kami ng mga 30-45 minutes din papunta sa bahay ng pamilya ng asawa ko.

312985202_1280020509239650_2412221171829668782_n.jpg
Negros Island po iyan sa malayo.

313036374_916157146013572_426454707025388021_n.jpg
Ito naman ang Liloan, Santader, Cebu. Dito yung port. Kuha ang larawan na ito habang nasa barko na kami.

Masaya kami at nakapagbiyahe ulit at nabisita ang aming mahal sa buhay. NagStay lang kami ng tatlong araw doon at nagbiyahe an rin pabalik ng Cebu City. Nakakapagod pero masaya kami na nakita at nagkapaSpend ng time sa family.

Yung iba pong mga kaganapan doon sa Negros ay post ko nalang po sa susunod.

Maraming salamat po sa pagbasa at ingat po tayong lahat.

Ang Inyong kaibigan,

Arjay

Sort:  
 2 years ago 
DetailsRemarks
#steemexclusive
atleast #club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Burnsteem25X
Verified Member/Visitor
 2 years ago 

ayo nalang nakabyahe mo 2 weeks ago bro... maot byahe ang panahon this week ba... amping mo perme

 2 years ago 

salamat Maam. oo maayo lang gyud kay nagbagyo na dayun.