The Diary Game Season 3 (January 10, 2022) | Bakasyon Engrade! at Power up
Magandang araw po sa inyong lahat!
Kamusta po kayo? Naway maganda po ang simula ng inyong taon. Kami po ng aking pamilya ay kasalukuyang nasa bakasyon pa rin. Andito kami sa aking home town sa Laguna. Dumating kami dito noong Dec 16 ng madaling araw. Mag iisang buwan na po ang aming bakasyon. Dito kami nagcelebrate ng pasko at bagong taon na rin. Engrande ko itong tatawagin kasi sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagbakasyon kami ng aking pamilya isa isang buwan.
Nabanggit ko po ata sa isa ko pong post na first time po namin magdiwang ng pasko at bagong taon kasama ang aking mga kapatid at magulang. Napakasaya po namin. Nagkaroon din po ako ng pagkakataon na ipasyal ang aking pamilya sa mga lugar na malapit lang din dito sa amin.
Ang larawan na ito ay kuha noong papunta kami ng Caliraya Lake. Tamang tama na palubog na ang araw. Pinagmasdan namin ng kagandahan ni haring araw habang ito ay dahan dahan na nawala sa aming paningin.
Ito naman ay sa Windmill Farm sa Pililia, Rizal.
Sinama din namin ang aking Nanay at Tatay sa pamamasyal. Masaya kami at nakasama din namin sila sa aming gala.
Ang mga larawan po sa itaas ay ilan lamang sa mga pinasyalan namin. Napakasaya ko at nagawa namin iton mag-anak na makapagspend ng time sa aking pamilya dito sa Sta. Cruz, Laguna.
Ngayon po ay medyo nalulungkot ako dahil malapit na kami bumalik sa Cebu. Nakakalungkot man pero kailangan na rin namin umuwi kasi nasa Cebu kasi ang aking trabaho. Ang hirap naman po walang trabaho lalo na ngayong pandemya.
I am hoping na makakabalik din naman kami ulit dito. Ang mga anak namin ay ayaw na bumalik sa Cebu hehe gusto na nila dito sa Laguna. Pinapaintindi din naman namin ang sitwasyon sa kanila.
Kamusta po ang inyong mga pamilya? Nakakapagspend din po ba kayo ng panahon para sa kanila? Sana ay hindi natin makaligtaan na magbahagi ng ating oras sa kanila.
Sya nga po pala. Ako din po ay nagpower up sa aking account ng 48.953. Dahan dahan ko rin pong pinapalaki ang aking Steem power.
Ito na po ang aking bagong Steem Power.
Hindi po ganun kalaki, pero papunta na rin doon. :)
Inaanyayahan ko pala ang aking asawa @me2selah, at ang aking mga kaibigan dito @jurich60 at jewel89 na sumali din sa diary game.
Maraming Salamat po sa pagbabasa. Hanggan sa muli!
Ang inyong kaibigan,
Hi!
This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.
Congratulations!
Luzon Moderator
kneelyrac