The Diary Game Season 3 (January 30, 2022) - Nakauwi Na Kami ng Cebu Matapos ang Engradeng Bakasyon
Magandang Araw po sa inyong lahat!
Kamusta po kayo? Matagal-tagal na rin po akong hindi nakapag-update dito. Naging abala sa maraming bagay. Bumalik na ako sa trabaho matapos ang aming bakasyon sa amin sa Laguna. Noong January 16 ng alas 5:30 ng hapon ang aming flight pabalik ng Cebu.
Sa totoo lang namiss ko na agad ang aking mga magulang at mga kapatid. Pero anong magagawa ko eh andito sa Cebu ang aming kabuhayan. Kaya kailangan bumalik at maghanapbuhay ulit.
Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang mga pangyayari noong araw na kami ay bumalik sa dito. Nag -arkila kami ng van para kami ay ihatid sa airport. Kasama namin papunta ang aking mga magulang at kapatid. Sumama sila para kami ay ihatid. Bago po kami dumiretso sa airport pinasyal muna kami ng aming driver sa mga magandang lugar sa Manila. Isa na dito ang Manila Philippines Temple ng Simbahan ni Hesukristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Bali ito po ang templo ng aming simbahan dito sa Manila.
Ito ang aking bunsong kapatid, ang kumaha ng groupie.
Dumaan din po kami sa Venice Piazza sa Taguig.
Ang aking pamilya kasama ang aking magulang at sister-in-law.
Pagkatapos po doon ay nagpunta na kami sa airport. Kumain muna pala kami ng lunch doon sa airport parking lot. Nakabili na kami ng pagkain panglunch at doon nalang sa van namin kinain habang ito ay nakaparada.
Masaya kami sa aming kainan at masarap pati yung pagkain na kinain namin. :D Meron inihaw na tilapia at lechon manok. Busog ang mga gutom namin na mga tiyan.
Pagkatapos po ang aming tanghalian ay hinatid na kami sa airport mismo para kami ay makapagcheck in na at maghihintay nalang sa aming flight.
Lahat kami ay naiyak dahil matagal na naman ang muli naming pagkikita. Nagpaalam na kami sa isa't isa at umuwi na rin ang aking magulang at kapatid.
Sa loob ng airport, mga isang oras din kaming nakapila para makapagcheck in. Marami-rami din po mga pasehero noong panahon na iyon. Ang kagandahan po ay on-time yung aming flight. Kaya hindi rin kami ng hintay ng matagal.
Kinunan ko ng larawan ang aking mag-ina bago sumakay ng eroplano.
Smoothe naman yung lipad namin at ligtas na nakarating sa Mactan International Airport. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa ligtas na biyahe. Pagdating naman namin sa aming bahay, chineck ko kung meron ba sira dahil sa dumaan na bagyong Odette. Laking pasasalamat namin ay okay naman ang aming bahay. Walang sira. Nagdasal kami mag-anak at nagpasalamat sa ligtas na biyahe at nakaligtas din ang aming tahanan sa hagupit ni bagyong Odette isang buwan na ang nakalipas.
Maraming salamat po sa pagbabasa sa aking kuwento. Sa kasalukuyan ako ay nakabalik na sa trabaho matapos na nagkasakit din mga ilang araw pagkadating namin dito sa Cebu. Nag Antigen test din ako para makasigurado na wala akong covid. :D Negative naman po ang resulta. Lubos akong nagpapasalamat.
Hanggang dito nalang po. Hanggang sa muli. Ingat po tayong lahat.
Ang inyong kaibigan,
Arjay
Ay salamat at success Ang inyong vacation tagal din...
Happy family. Maganda hapon sa inyo.
Same feeling nung hinatid na kmi nila mommy sa airport pauwe dto sa bataan. Matagal nanaman ulit bago mag kita.
Ang ganda po ng pagkakakuha nyu ng picture kina ate @me2selah samay eroplano ☺️
Hello @arjayyuson,
We are inviting you to join our ongoing contest.
https://steemit.com/hive-169461/@steemitphcurator/steemit-philippines-steem-promotion-contest-my-unforgettable-steemit-journey-in-2021-or-or-50-steem-total-worth-of-prizes
Thanks!