Alaala na Lang By Princess Jel Bongon - A Filipino Poem

in #poem6 years ago

Alaala na Lang
By Princess Jel Bongon

"Umuulan na naman
Ako ay nanlalamig na naman
Ngunit wala ka upang ako ay yakapin
Dahil ika'y lumisan upang sarili ay hanapin

Naalala ko pa ang masasayang sandali
Sandaling nakikita ko pa ang matamis mong ngiti
Ngunit ito ay isang alaala na lamang
Alaalang hindi na mababalikan kailanman

Mga pangako ay kinalimutan
Sa gitna ng ulan ako'y iniwan
Itatapon ko na ba ang litrato nating dalawa?
O ito'y itatago at patuloy na mangungulila?

Darating ang panahon na makakalaya ako sa rehas ng nakaraan
Aking pagmamahal ay sa iba ilalaan
Masakit isipin ngunit kailangan kong tanggapin
Na ikaw ay alaala na lamang at hindi na magiging akin."

download.jpg
image credits