Mahal patawad (FILIPINO POETRY) #PHILIPPINES
Dahil sa nagawa ko sa'yo
Hindi ko naman sinasadya
Na ika'y mahal pa rin
Ngunit wala akong patalim
Na kayang pumatay sa aking damdamin
Maari na ba tayong magkaayos?
Dahil sadyang mahal kita ng lubos
Mahal ako'y patawarin
Subalit hindi mapigilan itong damdamin
Subalit ikaw pa rin at ikaw lamang
Mahal ko'y patawarin ako
Dahil sa magsahanggang ngayon
Ikaw pa rin ang tinitibok ng puso
Hindi ko man masabi
Subalit ayoko nang makigulo
Diyan sa isipan mo na puno na ng hikahos
At diyan sa puso mo na iba na ang tinitibok.