SA PAGPATAK NG ULAN |TAGALOG POETRY|20% to steemitphcurator
Sa bawat pag-ihip nang hanging malamig,napahawak itong kamay sa kumot na tanging kapiling sa magdamag.Nakita yaring mga mata mga ibong paroon at parito naghahanap nang masisilungan sa nagbabadyang pagpatak ng ulan.
Unti-unting bumabalot ang dilim sa luntiang kapaligiran.
Kinang ni haring araw di na masisilayan,amoy nang umaga ay nagbabadyang ulan.
Nakakagimbal na kulog ang sumunod,nagpahiwatig ng kapangyarihang di kailanman matumbasan.
Tanging nagawa ko lang ay humigpit nang kapit sa telang nagbibigay nang panandaliang init.
Kasama nito ang pag-agos nang nararamdamang kinimkim sa kaibuturan.
Sa gitna nang kahinaan may mainit na nagdaan sa pisnging may kalamigan.
Mga luha'y di na napigilan dahil sa pagragasa nang sakit na nararamdaman.
Sa bawat tunog nang patak nito may paghikbing sumasabay,mga alaala nang kahapong di kailanman kinalimutan sumisigaw,kumakawala sa pinagtagoang kahon nang isipan.
Hinahayaang kalamigan nang ulan ay dumaloy sa katawan sa kagustuhang sakit ay kanyang mahugasan.
Pero alam nitong isipan na sa pagtila nitong ulan ang sakit ay mananatili lang tanging nagawa lang nito ay maikubli sa mundo ang mata nang taong nasasaktan na tanging panahon lang ang makahihilom nang sakit na nararamdaman.
I just wanted to share these poem I made earlier inspired by the rain,its been raining since I woke up and it give me a different feels that I channel and express through poetry,hope you like it.
...thank you for dropping by😊
Mapapaisip ka talaga ng malalim habang pumapatak ang mahinang ulan. Samahan pa ng mainit na kape. Hehehe..ganda ng tula.
..maraming salamat sa pagbasa @amayphin 😊
Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong post.
Sa karagdagang impormasyon, pakibisita po ang ating Community Account at ibang mga Social Media Accounts.
New Contest Alert:
God Bless po!!!