Tagalog Serye: Ikatlong Bahagi ng Unang Pangkat ||Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia
Olrayt! Ako pong muli si Cheche ang inyong lingkod..
Sana'y inyong magustuhan ang Ikatlong bahagi ng Unang Pangkat : Pamagat na Si Pepe at Ang Mundo ng Earthia
Unang Bahagi ni @tpkidkai - Si Pepe
Ikalawang Bahagi ni @romeskie - Ang Tokkamel at si Pinunong Kron
ANG NAKARAAN
"Kailangan mo munang bunutin ang charger, BD Boom. Itong pinakabagong modelo ng spaceship natin ay may safety feature para maiwasan ang pag-short circuit na kadalasang dulot ng paggamit nito kahit habang nakasaksak." wika ni Dziemmie habang hawak hawak ang charger ng spaceship. !
PINAGKUNAN
At sila ay pumuwesto na sa kani- kaniyang pwesto sa spaceship para simulan na ang paglalakbay patungo sa Earthia.
"Mabuhay ang Tokkamel!"
IKATLONG BAHAGI
Habang ang liwanag na nawawala unti-unting nakikita si Pepe at ang aliping nawalan ng malay..
Bakit parang walang nanyari? Kailangan pa bang ulitin?
Tanong ni Pepe matapos masalinan ng mana ang alipin sa pamamagitan ng halik na wari gustong umisa pa...
Gumalaw ang alipin na wari'y narinig ang binanggit ng binata at iminulat ang mata nito...
"Bayani ? Maraming salamat ngunit hindi mo dapat ginawa ito dahil bawal." pag-aalalang sambit ng alipin
"Tapos na nagawa ko na at handa akong harapin ang parusa." sagot ni Pepe rito
Lumapit si Prinsesa Fey upang tanungin si Pepe kung anung nararamdaman.
"Bayani kumusta ka? Dahil sa pagsasalin ikaw ay manghihina" sambit ng Prinsesa at lumapit sa kay Pepe
"Ihanda ang kanyang mahihigaan at damit madali!!"sigaw ni Prinsesa Fey
Habang nasa kwarto si Pepe, nag-aayos ng kayang higaan at gamit ay pumasok muli si Prinsesa Fey.
"Bayani, iyong ariin ang kwartong ito bilang iyong sariling silid at maari mong utusan ang mga aliping magsisilbi sayo. Ikaw ay kanilang pagsisilbihan at susundin." paliwanag ng prinsesa.
"Maraming salamat Prinsesa Fey, nais ko sanang tanungin kung ano ang aking parusa sa pagsasalin ng mana sa alipin?" tanong ni Pepe
"Ayon sa mga lehislador, aming palalagpasin ang pangyayari. Ngunit Bayani nais ko sanang makiusap na wag mo uulitin ang pangyayaring iyon. "*pakiusap ng prinsesa sa binata"
"Pasensorry ! ako ay isang doctor sa aming panahon at hinding hindi ko hahayaang makitang mamatay at manghina ang sinu man. Kaya uulitin ko ang aking ginawa kahit ilang beses pa, mahal kong Prisensa( mga banat ni Pepe-- panis). " sambit ng binata habang inilapit ang mukha niya malapit sa mukha ng prinsesa.*
"Sadyang napakabuti mo bayani, hayaan mo at gagawa ako ng paraan patungkol dito at asahan mo yan" pag-ayon ng prinsesa.
At tuluyan nang naglapit ang kanilang mga labi.
Sa Kabilang Dako
Ang tropang EX-bii este grupong Tokkamel ay malapit na sa Earthia na sakay ng karagkaging spaceship ( hindi ko alam paano nakatagal ang spaceship na ito).
Pinunong Kron!! Malapit na po tayo! tuwang-tuwa na nasambit ni BD Boom "the beatbox keeper"
Sinisigawan mo ba ako BD ? gusto mo bang matikman ang lupit ang aking galit? galit na sambit ni Pinunong Kron
Pinuno naman natutuwa lang. maagap na sagot ni BD Boom
Lumapag na ang spaceship sa Earthia at napaligiran ito ng mga naninirahan duon at nagtatakang nag-uusap usap..
sinetch itetch na shala ang jipamy?! (sinu ito na sosyal ang sasakyan?!)
wit ko knowing pero kabog ang jipajip ... krang krang na aketch may lafang ba ditey? (hindi ko alam pero panalo ang sasakyan.. gustom na ako sana may pagkain dyan)
Mga Siete Picados na Thunder cats at mga krung-krung na beki klapeypey-klapeypey sa pagkasbum ng tikidong at lalabas ang mga X-men (mga tsismosang matatandang at baliw na mga bakla palakpak magbubukas na ang pinto at lalabas ang mga lalake)
_
Nagtawanan ang mga nag-ookrayang grupo ng mga Earthia-beks.
At natigil ang nakukwentuhang grupo ng beki, bumukas ang pinto ng spaceship at lumabas sina Pinunong Kron, BD Boom, Minmin at si Rodylina Grandita. Mala The Avenger ang peg.
Hahaha! Earthia ako'y na dine (dito) at nagbabalik.. hindi kaylaman mapapawi (mabubura)ang iyong alaala ..
Pinunong Kron, may tawag po kayo mula kay Jaime Sanidad. *sambit ni BD na muntik nang magsungaba (madapa una dibdib).
lintek ka! ika'y lalanga-langa (tatanga-tanga) amina ang telepono. Hello Jaime nakalapag na kami nasan na sundo namin at ng maayos na ang lahat. Gusto ko na makita si Prinsesa Fey. paninita ni Kron
kay BD at sagot sa kabilang linya
Pinuno parating na dyan ang sundo at handa na rin po ang lahat ng kailangan para sa mga gagawin pagbabagong anyo ni DeShawn at ang mga plano. pagbibigay ng impormasyon ni Jaime.
Magaling Jaime sadyang maasahan ka sa lahat! Ikaw ay sadyang napaka-henyo! .pang-uuto ng Pinuno.
Dumating ang sundo ng mga Tokkamel at habang paalis sa pinaglapagan ng spaceship ay palakat (pasigaw) na ang mga ito :
TOKKAMEL !! (isangdaang beses mahirap magtype)
SA PALASYO
Umaga matapos ang agahan ay nagtungo na si Pepe sa lugar kung saan nageensayo ang mga mahikero, sundalo at iba pang grupo ng depensa ng Earthia.
Bayani sumunod ka sa akin at aking dadalhin kayo sa inyong silid ng pag-aaral. sambit ng alipin na nahimatay at hinalikan ni Pepe upang salinan ng mana
napatingin si Pepe sa alipin at tinanong
Ikaw ang aliping nawalan ng malay at nanhina? Ano ang iyong kalagayan ngayon?
tumingin ang alipin at sinagot si Pepe
Maayos na po ako Bayani at maraming salamat utang ko ang buhay ko sa inyong kabutihan, gagawin ko po ang lahat upang matulungan kayo sa misyon para sa Earthia.
Ngunit anu ang iyong ngalan? Nais kong malaman.
Ako po si Aytanna, tara na po Bayani at naghihintay ang punong mahikero para sa inyong pag-eensayo.
Inis na sumunod si Pepe na tila hindi sang-ayon sa nakikita at na-obserbahan niyang sistema sa palasyo na takot ang mga alipin at pawang may ranggo lang may karapatan (umiral nanaman ang pagiging makatao ni Pepe)
I-chechenes (Itutuloy)
Unang Pangkat
@romeskie , @cheche016, @jampol, @tpkidkai, @oscargabat, @valerie15, @julie26
Ikalawang Pangkat
@twotripleow, @beyonddisability, @jemzem, @kendallron, @rodylina , @jamesanity06, @chinitacharmer
Mga Elementong Ginamit:
Slavery
Rescue
Transformation
Tema:
Sci-Fi
Mga Karakter:
Bayani: Pepe ( talagang Pepe ang ginamit sa kwentong ito dahil may mga supresa pang susunod).
Villain: DeShawn( Ang halimaw na gustong pagharian ang buong mundo)
Nakakatawa naman neto Ma’am @cheche016. Hahahha ang galing!😂👏👏
Kabog ang bera ng mga beki sa story line nitetch! Nalurkey si watashi nang beri beri light!
Pakak na pakak! Hahaha
wahahahaahahaha
napaupo ako kakatawa
wala kang kupas @cheche016
Hahha marathon ituu sa tagalog-serye!
Grabe yung mga pa gay linggo ni @cheche016 buti nalang talaga ay may translator tayo dito. Kung hindi nako wala na uwian na.