Usapang Height - Find your Height || Ang Paborito Kong Alaala

in #paboritongalaala6 years ago (edited)

080cd1604360bab474e22ce4d9972cfd.jpg

PINAGKUNAN

Masayang balikan ang nakaraan lalo na kung punong puno ito ng asaran, katuwaan at sempre magandang ala-ala.. hayyy! sarap balikan ng mga ala-ala at mga kababatang ngayon nagsi-lakihan pero ako 4'9 parin.. kumain naman ang star margarine, umiinom ng gatas at natutulog sa hapon pero wala naman nabago e maliit parin ako. sad nuh?

Aking ibabahagi ang ilan sa mga Paborito kong ala-ala nung ako ay cute pa.. este bata :D no pressure cute parin naman ako ngayon .. HAHAHA.. sorry na agad..
Sumubok lang po ako kaya ako po ay patatawarin .. hehehe

Ito po ang aking entry kay sis @romeskie para sa ibang gustong sumali pakicheck po ng link na ito :) 100th day Celebration | Writing Contest: Ang Paborito Kong Alaala



USAPANG HEIGHT - FIND YOUR HEIGHT

Isang libo Siyam na raan siyamna pu't pito (1997) tapos na ang klase
Uwian na at Biyernes pa.. Nasa unang grado ako ng pag-aaral nun..
Pagod ako kakasulat ng mga nasa pisara A E I O U..hayyyy
Kami ay tila alipin na dapat tapusin ang mga aralin ...

Akala ko pahinga na kasi biyernes at uwian na..
Pag uwi sa bahay .. “anak ilabas ang lapis at papel”
Ako ay sadyang alipin na susunod kasi ayokong mapalo
Hindi pa ako makakalabas kasi matutulog daw .. palo o tulog?

Pipiliin ko syempre ang tulog sino ba naman gusto ang mapalo?
Yan ang problema namin nuon gusto maglaro pero tutulog daw
Tas pag-gising bibili si tatay ng mainit na monay at may malamig na royal
Hayy.. sarap balikan ng simpleng buhay pero masaya…

Nakakatuwa rin ang karanasan ko sa eskwelahan
Kung saan ako ay pamangkin ng isang kilalang guro
Kilalang guro kasi isa sya sa mga terror ng elementary days
Yung tipong pagbinanggit ang pangalan ng tiyahin ko.. ilag ang lahat..

May sitwasyon pa nga na ako ang ginawang tagapag-lista ng maiingay..
Nailista ko pa ang ang pangalan ng kakaklase kong lalake
Galit na galit sya at aabangan niya ako sa labas para lang saktan
Pag-naalala ko iyon nahihiwagaan din ako kasi ang tapang ko..

Matapang ako kasi may tiyahin akong hindi papayag na masaktan ako
Hindi ako nagsumbong sa tiyahin ko hindi ko kasi ugali yun
Nagtaka nalang ako nagsabi pala ang bespren ko sa tiyahin ko
“Ma'am aabangan daw po si Lischelle ni Bayani sa labas kasi inilista na maingay”

Nagulat ako sumugod ang tiyahin ko at pinagsabihan ang kaklase ko..
“Hoy! Ang laki mong tao papatulan mo maliit sayo? Wag ka mag-ingay para hindi ka mailista”
Yan ang babala ng tiyahin ko kaya simula nun walang gumagalaw sakin sa school na siga
“Find your Height” sigaw ng guro ko na tipong ako naman ang pinagsasabihan

Lagi kasi akong nasa dulo ayokong aminin na maliit ako .. OO AYOKO..
Sisigaw ang kaklase ko “Ma’am si Pitao nasa dulo nanaman!”
Kakamot nalang ako sa ulo at pupunta sa harapan ng pila .. hayyy
Hanggang High School at Kolehiyo nasa harapan nanaman ako ng pila

OO kasi 4’9 lang taas ko, ewan ko huminto na kasi duon ang pag-laki ko
Kaya mga bata hindi lahat ng sinasabi ng matatanda ay totoo
Bakit kamo? Takot ako mapalo at natulog ako pero heto maliit parin ako
At hanggang ngayon “Find your height” parin ako .. :D

Maraming salamat po ...

Sort:  

Loko yang height na yan ah.. ke tagal nang hinahanap hanggang ngayon ganun pa rin? #Sadlayp. 😅

hanggang ngayon po hinahanap ko parin yan ate arlin.. kala ko forever lang ang hindi totoo ati pala height.

Minsan kasi may mga bagay talaga na kahit anong gawin natin hindi talaga pwede. 😯😅

Hahaha. Kay hirap hanapin ng height na yan. Ako palusot ko na lang "Takot ako sa heights"

Salamat sa pagsali sis! :-)

hahaha.. sis palibahasa ndi ako.matangkad kaya love na love ang heights..

thank you sis :)

@resteemator is a new bot casting votes for its followers. Follow @resteemator and vote this comment to increase your chance to be voted in the future!

Amazing Che :D Marubdubang alaala to hehe. At nakakatuwa marinig boses at emote mo dito. Great job!

haha boses bata nga e. haha
salamat bro :)


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

wow thank you..

hindi ako nag iisa sa karanasang ito haha

alin jan ung palo o tulog? hahaha

yung sa find your height