THE DIARY GAME SEASON 3 (10-25-2021) PAGLILINIS NG KAPALIGIRAN
Kumusta kayong lahat? Narito na naman po si chibas.arkanghil nagpapasa ng entry para sa diary game contest.
"Sinasabi nila na kapag nag-aayos at naglilinis ka ng sarili, kinakailangan ding linisin mo ang iyong kapaligiran upang magkaroon ng masaya at malusog na pamumuhay". Kaya naman minabuti namin ng asawa ko na linisan ang isang nakapundong tubig dito sa tapat ng aming bahay. Itong tubig na ito ay galing sa apartment ng kapit-bahay namin. Nagka-problema kasi ang kanilang mga tubo.
Nireklamo na namin ito sa may-ari kaso lang pagkatapos pa daw ng undas nila ito gagawan ng paraan. Di ko tuloy ma-isip kung bakit pagkatapos pa ng undas kung kaya naman nilang gawin ngayon. Kaya kami na lang muna ang naapektuhan ang gumawa ng paraan. Tamamg-tama walang trabaho ang asawa ko kaya nag operation Clean-up Drive kami. Kasama rin sa Clean-up Drive si @autumnbliss at iba pa na tumulong. Nagsu-ot din kami ng aming steemit t-shirt upang pag promote na rin sa mga taong nakakita sa amin na naglilinis.
Nang makita kami ng kapit-bahay namin medyo malayo sa tubig ang bahay niya ay na enganyo rin siya na tumulong sa paglilinis. Natatakot din kasi siyang bahayan ito ng mga lamok. Kaya tumulong din siya sa amin ng asawa ko. Masyado nang marami ang basura na nasa tubig. Hindi makapasok sa loob ang mga tubig na nasa labas kaya minabuti namin na lagyan ng ibat-ibang lagusan upang maibsan man lang ng konti ang tubig na nakapundo. Tinanggal namin ang mga kahoy at basura na maaring bumara sa lagusan ng tubig.
Medyo marami nang lamok na nakatira dito. Ginamitan namin ng pala at bara kasi talagang napakarumi na ng tubig. Medyo ma-itim na ang kulay ng tubig. Hindi ito kayang linisin lang ng isang araw. Kinakailangan ding gumawa ng butas na malalim para tuluyan na itong matuyo. Ini-isa isa naming ipasok sa sako ang mga basura at e abang sa basura ng trak upang makunan man lang ng kaunti ang mga basura doon.
Tiningnan lang kami ng may-ari habang naglilinis. Sana hindi niya pa ito paaabutin ng undas. Dahil talagang sobrang nakakasama ito ng kalusugan lalong-lalo na sa mga batang palaging naglalaro malapit dito.
Sana po sa lahat ng tao, maging responsable po tayo na luminis ng ating mga kalat at dumi upang wala po tayong maperwesyo na mga kapit-bahay. At maging malusog po tayong lahat. Hanggang dito na lang po ang aking diary. Iniimbitahan ko na sumali sina: @shikika, @autumnbliss, @momshie85.
Ang iyong lingkod,
@chibas.arkanghil






Tama ka sis. Dapat maglinis tayo ng kapaligiran. Uso pa naman ang dengue. Kaya ingat ingat din tayo.
I am also inviting you sis to join and commit to #club5050 and get your badge here in the Steemit Philippines Community. You may refer to this post :
I am inviting you to join and commit to #club5050 program, also dont forget to use the tag #club5050-philippines whenever you post here at Steemit Philippines community. For more information please refer to this link.
https://steemit.com/hive-169461/@juichi/how-to-get-a-membership-badge-of-club5050-philippines
Thank you and amping kanunay.
Opo sis asahan niyo po ang aking partisipasyon sa #club5050 program.
Thank you Sis! Amping Kanunay!
Awesome!❤❤
Ka bootan na lang gyud.
Lage sir, daghan kaayong lamok. Kinahanglan jud manglimpyo.