Ikalawang Serye ng Tula: #2 Good morning [Filipino Poetry Series]

in #literature7 years ago (edited)


Image Source

Good morning

Sabay hawi sa buhok na bumagsak sa pisngi mo nang mapansin kong gising ka na.

‘How’s my Hunny’s sleep?’

Kanina pa kita pinagmamasdan siguro mga tatlong oras na’kong gising pero walang sawang pinapanood ang pagtulog mo at pilit na kinakabisa ang bawat detalye ng kagandahan mo, sinusulit ang bawat sandaling kaya kitang ikulong sa’king bisig. You smiled but did not reply. Pero yung ngiting yon pa lang sapat na para buuin ang araw ko, para bigyan ako ng lakas na harapin ang mundo, para lagyan din ako ng ngiti sa aking mga labi.

‘Ang ganda naman ng katabi ko’

Sabay halik sa noo mo pababa sa ilong at patungo sa yong nakakapanabik na mga labi, sabay yakap sa’yo ng mahigpit at nagnanais na ipadama sa’yo na gusto ko sanang ganto tayo habambuhay at hindi kita pakakawalan.

‘Ano’ng gustong breakfast ng Hunny ko? Ipagluluto na lang kita’

Tanong ko sa’yo habang nakatitig at tinitiis na huwag matunaw mula sa’yong mga titig, at pinipigil ang pananabik sa’yong mga hagkan at halik.

‘Ikaw’

Tugon mo ng may ngiti sabay hatak sa aking mukha patungo sa’yo, tulak sa aking labi papunta sa’yo, tila hinihigop ng gravity yung puso ko hanggang mapag-isa silang dalawa ng puso mo.

‘Mahal ki..’

Pagmulat ko wala pang alas sais, wala pa ring ikaw sa aking piling, wala ring ikaw sa buhay ko.

‘Panaginip lang pala… Mahal… Mahal kita…’

Umidlip na lang muli, baka mabalikan pa kita at masabi sa’yo ang nadarama.

‘Mahal kita’.


Muli, hinihikayat kong gamitin ang wikang Filipino at gamitin ang mga tag na #Philippines at #Pilipinas. Kung gagamit man ng Filipino sa isang paksa, iminumungkahing maglagay ng pagsasalin sa Ingles para sa mga banyaga nating kaibigan. Paumanhin at hindi ko magagawang isalin ang mga tula at prosa sa Ingles dahil mag-iiba na ang pagkakabuo nito.

Patuloy na suportahan ang @steemph at @bayanihan.


Maraming Salamat!

Thank you so much!