Poem / Isang Pangaral (A Filipino Poetry)
Di man ako kasing talino mo,
Di naman ako isang mangmang na tao.
Aanhin naman ang dami ng laman ng ulo,
Kung pulos hambog ang nasa puso.
Ano pa man ang naabot mo,
Nawa'y marunong kang lumingon sa pinanggalingan mo.
Kahit anong tayog ng iyong lipad,
Ingat lang baka kung saan ka mapadpad.
Pagiging mapagpakumbaba,
Pagtulong sa ating kapwa.
Pagbahagi sa talinong bigay ng Diyos Ama,
Kayamanang kailanman ay di makukuha.
Nakakatuwang isipin,
May mga taong budhi ay sobrang itim
Gagawin ang lahat, makasagasa man at makasakit ng damdamin.
Walang masama sa pagkamit ng ambisyon,
Marunong lang tayong magpasalamat at tumugon,
Sa mga pangaral ng magulang at ng ating Panginoon.
Maging mapagpakumbaba, itapak ang paa sa lupa.
Kabutihang nagawa, di kailangan ipagsigawan sa madla,
Laman ng puso't isipan batid nang ating Amang Maylikha.
Isang Pangaral
04 / 20 / 2018
Be a member on our Facebook page -- Click this Link
Your steem friend,
-Niño M.-