TULA PARA KAY MAKABAGONG MARIA CLARA. (Bago matapos ang Valentines Day)

in #poetry8 years ago (edited)


Image Source

Mula bukang liwayway, hanggang takip silim,
Akin ng ibubunyag ang matagal ko ng Lihim.

Akin nang ilalathala kay bathala
Ang pag-ibig ko sa iyo MARIA CLARA
Mula Ulo hanggang Paa
Mula Dabaw hanggang Maynila
Mula Amerika hanggang Europa,
Gaya rin ng pagmamahal ni Adan kay Eba,
Kay Anthony kay Cleopatra,
Kay Florante kay Laura,
at
Kung di pa yun sapat, gagawin ko na lang
“WALANG HANGGAN” ang pamagat.

Ang kaligayahang aking nararamdaman hindi matutumbasan,
Kahit eroplano man, dahil ang lipad nito’y hanggang alapaap lamang,
Pero itong aking nararamdaman, abot hanggang kaibuturan ng kalawakan.

Pero huwag sanang mabahala, ipapangako ko, di dadaloy ang luha sa iyong mga mata,
Kasi, kahit my mata ka nga, di mo naman ako nakikita,
Kahit akin pang ipagsigawan na mahal kita MARIA CLARA,
Pero di mo parin maririnig, kasi para lang akong SARDINAS na nasa LATA.
Nakakulong, oo nakakulong, kasi ang boses na pilit kong pinagsigawan
para sayo para lang itong isang bulong.

Kaya aanhin pa ang pag-ibig na inalay
di naman pala pwede maging akin ka panghabangbuhay.
Kung hindi naman pala pwede erehistro ang pangalan at apelyedo ko dyan sa puso mo,
para lang itong isang LUPA, hindi pwedeng maging IYO
kung wala naman itong TITULO.
Kasi,
Wala palang IKAW, puro lang pala AKO kaya imposible maging TAYO,
marahil ang layo ko sa lalaking pinapangarap mo.
Eh, masmabuti pa ang ADOBO, di pwedeng walang TOYO
At hindi pwedeng ILAKO ang TAHO,
na walang SAGO.

Masakit man sa puso, kusang loob ko itong tatanggapin,
at sabihin na mahirap magpanggap na ang totoo ikaw talaga ang aking pangarap,
pero paano ko matitkman ang sarap? Ni kahit minsan kahit sa panaginip di kita nakaharap.

So paano na ba? Para bang BOYSEN lang ba?
“Habang Buhay ako’y Maghihintay?”
Patay, di ganon ang buhay,
Kailangan mo ring sumuko at yumuko at manalangin
Na sana balang araw, may isang babae na dadalhin ng hangin dito sa aking nagdurogong PUSO.

Gusto ko nang mapatunog sa wakas ang kampana
Upang sya’y e harap sa dambana, ngunit pasinsya na, hindi ikaw yun MARIA CLARA.
Itong modernong IBARRA gusto mapangasawa ay IBA.

Pero sa ngayon, hindi man ako nagwagi sa batas ng pag-ibig,
Di gaya ng mga tula ni Francisco balagtas,
Akin na lang itatas ang bandera ng mga lalaking SINGLE sa pinas.

MABUHAY ANG ARAW KALAYAAN.

Sort:  

Resteemed your article. This article was resteemed because you are part of the New Steemians project. You can learn more about it here: https://steemit.com/introduceyourself/@gaman/new-steemians-project-launch

thank you so much @gaman. God bless and more power.

Hi @eloniy like me follow me thank you :)

Coin Marketplace

STEEM 0.05
TRX 0.29
JST 0.043
BTC 68355.40
ETH 1981.34
USDT 1.00
SBD 0.38