#BERNSTEEM25|THE DIARY GAME 02-06-2023|"SUNDAY'S GANAP"

in Steemit Philippines2 years ago

IMG_20230206_054846.jpg

Ang lahat ng pasasalamat ay sa ating Dios lamang dahil sa kanyang kabutihan na walang kupas.

Maligayang araw Steemians!

Kinagagalak kong makapagbahagi dito ngayon sa mga kaganapan sa araw na ito.

IMG_20230205_223109.jpg

Kagabi pa lang ay nag chat na ako kay Jicel na pasabihan sina Ptr. Romel at kuya Junrey na mag serenade sa ate ko, kaya naman alas kwarto ng madaling araw, nag serenade kami. Labis ang saya ng ate ko dahil hindi sya makapaniwala na may mag serenade sakanya. Masaya naman kami kahit papaano na nakapag bigay saya kami sakanya. Matapos ang serenade namin, ang Section 3 Presbytery namin na si Rev. Jun Divinagracia ay pumunta rin sa bahay upang mag alay ng panalangin sa buong pamilya.

IMG_20230205_223233.jpg

Pagka 8:30 pumaroon na agad ako sa simbahan dahil araw na linggo naman ngayon, sabay2x kaming nagpuri at nagsamba sa Panginoon. Ako ay naantasang mag worship lead at salamat sa Dios sakanyang pag moved sa bawat isa saamin. Communion Sunday rin namin. Matapos ang church divine service ay nananghalian kami sa church tapos ay nagtipon kaming mga youth upang pag-usapan ang mga paraan sa pagtururo ng mga bata sa loob at labas ng simbahan.

IMG_20230206_032741.jpg

Pagkatapos ng meeting namin, si Sir Dan ay nang-anyaya saamin na gumala sa Green Villege na sakop ng Naawan Misamis Oriental na, na featured noon sa Kapuso mo Jessica Sojo kaya naman, hindi namin pinalagpas ang mga iyon. Nakarating nga kami sa Green Villege at naaliw sa mga statuwa ng mga iba't-ibang klaseng kahayopan tulad ng agila, dolphins, geraffe, elephant at marami pang iba. Ngunit bago paman kami naka Pag picture sa mga iyon, mayroong napaka challenging part sakanilang galaan. Mayroong 380 plus steps sa hangdanan papuntang tuktok ng bundok. Kaya sya challenging kasi ang pagdadaanan mo ay wala talagang straight, puro pataas ng pataas na masasabi mo talagang hihinggalin ka dahil sa subrang taas. Bagama't nagdadalawang isip na tumuloy sa Pag akyat, naging determinado parin kami na makapunta sa tuktok kahit na mahingal. Oo nga't nakarating nga kami sa taas, at pagka rating doon ay mayroong hindi naman kalakihan na kamay na pwedi mong mapagkunan ng picture. Makikita mo rin ang tanawin sa baba na kay ganda pag ika'y nasa taas ng bundok.

Matapos kaming nag stand by ng ilang minuto sa taas, ay bumaba na kami dahil narin sa malapit ng dumilim. Sa aming byahi pauwi ay huminto muna kami sa Yahong Restaurant sa Manticao Misamis Oriental upang maghaponan. Sulit yung pagod namin sa buong araw na saktong ginutom kami kaya masama narin maghaponan kasama si Ma'am En.

Isang malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil ginabayan nya kami sa aming pinuntahan at maging sa aming pag-uwi kahit na medjo maulan-ulan, sulit ang lakad namin sa araw na ito.

Hanggang dito na muna ang maibabahagi ko sainyo. Magandang araw sa ulit Steemit Philippines.

GOD BLESS US ALL!

25% Payout from this post goes to @null

Sort:  
 2 years ago (edited)

This post has been chosen to be recommended for the @booming support program.

CategoryRemarks
#steemexclusive
At least Club5050
Plagiarism Free
Bot-Free
At least 300 Words
Delegator
Verified Member/Visitor
Voting CSI[ ? ] ( 3.85 % self, 26 upvotes, 19 accounts, last 7d )

Feedback: I encourage you to upvote at least 10 posts per day or more with other users on Steemit Philippines Community to increase your Voting CSI.

Thank for creating a quality content in the Steemit Philippines Community.

-Admin/CR-Philippines-
@loloy2020

 2 years ago 

Hello po sis @emzcas kamusta kanapo I hope you stills remember me po. And that was a happy and blessed Sunday sis 😊

 2 years ago 

Wow, ang galing! Salamat sa iyong mga detalye at sa larawan. Talagang napagtanto ko na napakalaking biyaya na ibinibigay ng Panginoon sa bawat isa sa atin. Nakakamangha talaga ang kanyang kabutihan. :)