#BURNSTEEM25 || THE DIARY GAME 10-31-2022 || " THE APPRECIATION "

in Steemit Philippines2 years ago

Sa lahat ng Steemians jan, isang mapagpalang gabi po sa ating lahat.

Lahat po tayo, halos alam na na sa loob ng isang taon ay mayroong mga buwan ng mga kaganapan na nag si-celebrate tayo tulad ng araw ng mga puso, bagong taon, pasko, halloween at iba pa. Nakasanayan ng gawin yan ng mga Pilipino maging sa buong mundo.

Ngunit hindi lang yan! Sa buwang Octobre ang mga pentecost ay nag si-celebrate rin ng tinatawag na PASTOR'S APPRECIATION MONTH. Mayroong nag celebrate every first week of the month, mayroong ding sa last week of the month at ang karamihan ay nasa last week of the month talaga sini celebrate yan.

Ang Pastor's Appreciation month celebration ay gimagawa ng mga meyembro sa simbahan. Bilang pasasalamat nila sa Panginoon at pagmamahal nila sa kanilang Pastor, gumagawa sila ng mga kanais-nais na mga surprises na s'yang ikakamangha at ikinatutuwa ng mga Pastor. Lahat ng mga sakripisyo at pananampalataya ng mga Pastor ay kanilang inaapreciate, at bilang pag appreciate, mayroon silang inialay na mga regalo sa mga Pastor at mga nakakaiyak na mga mensahi para sa mga Pastor.

Yan ang ginawang surprisa saamin ng mga meyembro sa simbahan which is the Living by faith global mission. Sa aming pagtitipon-tipon sa simbahan upang magsamba, wala kaming part sa buong session dahil daw araw namin, kailangan naming magpahinga at sila ang gagawa sa mga bagay na aming mga ginagawa.

Simula sa service in-charge hanggang sa preaching, ang mga meyembro lahat ay may gawa. Hindi lang iyan, isa-isa NILA kaming pinagmamarching, tapos they offered prayer for us, tsaka binigyan ng mga regalo.

Labis kong ikinasaya ang kanilang mga pa surprised kasi alam ko na buong linggo busy sila, ngunit may mga ilang araw pala na sinakripisyo nila to surprise us. May mga araw na umabsent sila sa trabaho upang mapagtuonan ng pansin at halaga ang kanilang mga ginawang pagsasaya saamin.

At sa kanilang mga surprises, pantay kami nina Pastor Dudz, Pastora Jen, at Pastor Mel. Sa kanilang mga ginawa ay nagpapakita at nagpapahiwatig doon na labis din ang kanilang pagmamahal sakanilang Pastor, kaya lahat kami ay masayang nagdiwang sa araw ng mga Pastor.

After church divine service nag lunch kami at dumiretso na sa dagat Landap Beach upang ganapin ang water baptism sa mga bagong nanampalataya sa Panginoon.

Buong araw ay nagpasalamat ako sa Panginoon sa mga taong nagmamahal din naman saamin, at naka appreciate sa mga gawain namin.

25% beneficiary goes to @null

Glory and honor belongs to God alone!

God bless us all.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 70855.94
ETH 3844.90
USDT 1.00
SBD 3.49