My Teacher's Day Memory | Mactan National High School
Before matapos ang buwan ng Oktobre, e hahabol ko talaga itong napakagandang memory ko sa araw ng mga guro.
Ito yong araw na kami ang bida at ang babait ng mga bata. Iba't ibang pa surpresa bawat classroom at kahit iba't iba ang experience ng bawat advisers iisa lang ang theme... ang mapa saya kami sa araw na ito.
The rest of the days kasi, balik reality na naman. Yong araw na dapat handa ka sa iba't ibang emosyon bawat oras. Bawat classroom iba iba ang mood mo depende sa takbo ng klase na syempre sila na naman ang bida.
Yong president ng SSG pa secreto ang approach. Dapat sekreto talaga ang lahat, ang goal dapat si teacher ma surprise ng hindi fake.
Kaya nagkatoto nga ang plano nila. Talagang sa part ko, hindi fake yong pagka surprise ko. This school year kasi binalik na sa mga science teacher yong advisory nila sa Science class. Kasi Math teacher ako, labas na ako sa pagiging adviser nila. Kaya sinong mag akala na legend pala sa pa surpresa itong advisory class ko. Yong mga mukhang halos for fun lang lahat ang nasa isip mapatulala ka sa galing nila. Nag silabasan ang mga singer, dancer at makata.
Talagang yong mga batang akala mo walang talent kasi pa ngiti ngiti lang sa tabi biglang sinakop ang stage. At ang mga messages pa nila, talagang nakaka touch although karamihan nakakatawa. Nakakatawa kasi totoo at walang uso ang flowery of words.
Sa mga girls ko naman, no problem ako dito. Mabait at masipag maglinis. Sila yung mga babies ko na ang daling mahanap kapag I am in need, tsaka uso sa kanila ang mag volunteer kahit hindi cleaning areas nila.
Ayan o, ma swerte ako sa mga batang ito. Sana whole year na tong ipinapakita nila para pang one school year den ang happy teachers' day ko. Lalo na at next month full in person na talaga.
Belated happy teachers' day po sa lahat ng mga guro. Pati na sa mga magulang dyaan na minsan ding naging instant guro for two years ng mga anak nila. Ang saya po ng trabahong ito. Kaparte po tayo sa buhay ng mga bata, at either way sanay maging inspiration po tayo sa bawat isa.
Maraming salamat talaga sa mga parents na very supportive. Nang dahil pinapaaral ang mga anak nila kaya nagiging guro din kami!
At sa pa gift din, sa cake at sa flowers..at higit sa lahat sa mga messages na nakakataba ng puso... thank you po talaga.
Hanggang dito lang po. Ingat po tayo lagi.
Cheers,
@fabio2614
I really can see that you really enjoyed the day sis. Peru di mo talaga ako binigyan ng cake ha. Hahaha
😁mas lami tong imo ba
Your article has been supported by @josevas217 from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 7.
@josevas217 thank you so much for the support
well-loved kaayo si Teacher! :) Happy Teacher's day sis bisan late na hahah
love jud sis, anang adlawa ra pud na ba... kay sunod mga adlaw sila na pud ang boss😁
I really like your post. I love your writings. Wish you all the best.