First Filipino Poetry- (LDR) Pinaasa ( True Story of mine)
Ito yung Pic ko noong 2015 , kakaiba mukha ko dito haahhaha!
Ito yung una kong gawang tula, hindi ako magaling at di ko to talent, pero nag try lang ako baka sakaling magustuhan ninyu, itong gawa ko ay base sa nangngyari sa lovelife ko_:)
TITLE: LDR- PINAASA
Nagsimula sa kaibigan at naging magka-ibigan
Labis ang kasiyahan ang nararamdaman
Mata mong parang ako'y laging ina-akit akit
Hindi sinadyang minahal na kita ng labis
Ako'y pinakilala sa iyong pamilya
Naramdaman na mahal mo ako talaga
Mas naging makulay ang ating relasyon
Na para bang pinagtagpo tayo ng panahon
Teka lang? Ba't hindi man lang hahawakan ang kamay ko
Hindi man lang halikan ang mga pisngi at labi ko
at Hindi mo ako mayakap sa harapan ng mga tao
Nalilito ako, mahal mo ba talaga ako?
Sinubukan kung hawakan ang iyong kamay
Binitawan at naglakad tayong hindi na sabay
Pinigilan itanong kung kinakahiya mo ba ako
Ayaw'ng magalit ka't hindi na nagisip ng negatibo
Hindi mo gusto na ako'y magselos
Baka ating relasyon madaling matapos
Gusto mo na laging iniintindi ka
Ginawa ko kahit alam kung mali ka na
Hindi hinarangan sa mga pangarap mo
Magtatrabaho sa ibang bansa't magkakalayo na tayo
Sa araw na nagdaan ikaw na ay nagbago
Lumamig ka mahal pero nandito parin ako
Ginawa ko lahat makausap ka lang
Para di mo maisip na meron akong pagkukulang
Pero nangyari parin ang di inaasahan
May iba ka na't ikaw lang ay nagbubusyhan
Tinanong kita kung meron ka bang iba
Hindi umamin pero alam kung kayo'y nagkabalikan na
Naging bulag, bingi, pipi't nagpakatanga ako
Taas pasensya't ayoko pang sumuko
Dumating ang araw ng pag alis mo
Ilang araw'ng naghihintay sa tawag mo
Kahit sa sagot ng tanong kung kumusta ka na
Ako na talaga'y binabalewala na
Ilang araw at buwan umiiyak at di makakain
Nandito, naghinhintay at umaasang sasagutin rin
Pinatunayan pa rin na 'di ako madaling sumuko
Ayoko makita mo na ang mga pangako ko'y napako
Ilang buwan na't hindi parin nagpaparamdam
Nagmakaawa ako na wag ganito na ako'y parang pinaparusahan
Mali ba talagang magmahal ng lubusan?
O sadyang pinaasa lang ako't panakip butas lang
Naghinhintay ka pala na ako ang sumuko
Ang mga pangako mo mahal ay napako
Masakit man pero kailangan ng bibitawan ka
Kahit alam kung ika'y bumitaw noong una pa
Salama't mahal na ako'y ginaganito mo
Nang dahil sayo'y pinalakas mo ako
Hindi ko parin alam kung bakit mo ako pinaasa
Pero baka hindi lang talaga tayo para sa isa't sa
The End!
Salamat sa nagbasa, kung nagustuhan niyo po ito, gagawa ako ng part two .
murag kaila ko pasabot nimu ani. 😂
Hahhaha kinsa man daw be? Lol