Tula # 4: Ang Inang Kalikasan

in #tula7 years ago


image source


Ang Kalikasan


Ang kalikasan ating pagkaingat-ingatan,
Dahil ito’y bigay ng kataas-taasan,
Mga puno na dapat pahalagahan,
Mga Hayop na dapat alagaan.


Hangin na pwedeng langhapin,
Mga Huni nito’ay makakapagkalma sa isip natin,
Kahit saan man tayo tumingin,
Ito’y regalo ng bathala sa atin.


Puno't halaman yaman ng kagubatan,
Mga agos ng tubig ay maririnig,
Ibon na kumakanta sa himpapawid,
Kaya’t kagubatan di dapat kalbuhan,
Kasi maraming nilalang ang masasaktan.


Ang pag unlad ng bansa’y magandan,
Agham at Teknolohiya ay tataas pa,
Ngunit yaman ng kalikasan’y nauubos na,
Kaya’t wag natin itong pabayaan,
Hatid nito’y pinsala sa ating bayan.


Unang ginawa ng Diyos ang kalikasan,
Sinunod tayo para ating paglingkuran,
Kaya’t tayo na magtulungan mga kaibigan,
Mahalin at alagan natin ang Inang kalikasan,
Dahil para din ito sa ating kinabukasan.


kalikasan.jpg

image source

Sort:  

This magical falls is familiar. Where was this taken?