Steemit Philippines // Ang Christmez Bazaar Trade Fair sa Aming Lugar//20% goes to steemphcurator

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa lahat dito sa Steemit Philippines.Maligayang pasko sa lahat at Manigong bagong taon po.

Sa tuwing nalalapit na ang kapaskuhan marami tayong makikitang mga palamuti sa mga bahay ibat ibang palamuti sa mga kalye at naengganyo naman tayong tingnan.Iba ang ating pakiramdam kapag nakakakita tayo ng mga pampaskong palamuti hindi katulad ng ordinaryong araw.
IMG_20211215_211446.jpg

Dito sa lugar na pinagtrabahoan ko isa itong lugar na may maraming pabrika na may ibat ibang produkto . Para itong compound na may ibat ibang pabrika at tinatawag itong Mactan Export Processing Zone. Ibat iba ang kompanya may ibat iba ring produkto tulad ng cannon camera may relo may mga damit , may sports wear may pabrika ng mga cotton buds at iba pa. Sa tuwing malapit na ang pasko may isang kalye na puno puno ng mga paninda sa loob mismo ng lugar na pinagtrabahoan ko ito ay tinatawag naming Christmez Bazaar Trade Fair
IMG_20211215_211133.jpg

Noong una ang mga inilatag na paninda ay ang mga produktong galing sa mga kompanya mismo sa loob ng Mactan Economic Zone. Pero iba na ngayon mayroon ng mga gamit pang kusina,
IMG_20211215_212443.jpg
IMG_20211215_213954.jpg

may nagtitinda ng pagkain na patok na patok naman sa mga tao.
IMG_20211215_212846.jpg
May nagtitinda ng unan ,mga overruns t-shirt and pants na ibinibinta sa murang halaga
IMG_20211215_213843.jpg

May nagtitinda ng mga cellphones may nag display ng motor at may mga laruan.
IMG_20211215_213909.jpg
May nagtitinda ng mga malalaking jar at nakabili naman ako sa murang halaga 200 pesos lang pag sa mga supermalls iba na ang.presyo.
IMG_20211215_214941.jpg

IMG_20211215_212918.jpg

Sa tuwing kaming magkakaibigan ay uuwi na galing trabaho palagi kaming dumadaan sa trade fair kahit na wala kaming bibilihin.Na enjoy namin ang isat isa pag dumaan kami kasi mag picture taking kami,patingin tingin lang kami sa mga paninda, may magustuhan man kami hanggang tingin nalang kasi walang pambili
IMG20211215172727.jpg
.Ngayon payday namin kumakain kami ng mga kasamahan ko sa trabaho siomai at pansit palabok lang yong inorder namin yong affordable lang na pagkain.
IMG20211215175312.jpg
Makikita natin maraming pumupunta kasi nga payday,pero kukunti nalang ang nagtitinda maaga kasing nagsara ang iba kasi nga may bagyo nararamdaman na namin ang hangin pero kahit medyo mahangin na nakikita ko pa rin na halos lahat ng mga nagtatrabaho ay dumadaan sa trade fair lalo na pag payday
IMG_20211215_220052.jpg
maraming bumili ng mga damit at pag malapit na ang kanilang pagtatapos sa pagtitinda sa loob ng Mactan Economic Zone bagsak presyo na ang lahat ng paninda.
IMG_20211215_213843.jpg

Hanggang dito nalang maraming salamat.

God Bless Us All
@gracetorrion