Steemitphilippines Filipino-Music Open Mic Week#5 Contest/Paminsan-Minsan

in Steemit Philippines3 years ago (edited)


Magandang Araw po sa lahat ng miyembro ng Steemit Philippines sana nasa mabuti tayong kalagayan at mag ingat po tayo sa panahon ngayon.Sana magustuhan niyo ang aking awit na may kalakip na kwento ng aking buhay.
Ito ang napili kong kanta dahil na relate ko ang nangyari sa aking buhay.
Ako ang isang single mother na may isang anak na babae.Ang nangyari kasi sa amin apat na taon kaming magkasintahan hanggang sa ako ay nabuntis ang saya saya nya dahil magkakaanak na daw kami. Hindi ko alam kong anong magiging reaksyon ko dahil alam ko sa sarili ko na magagalit talaga mama ko wala na ang papa ko sa panahon na yon patay na siya wala na akong kakampi.Noong nalaman nila na buntis ako ng isang buwan hindi nila matanggap yong nangyari sa akin kasi bunso ako pinatawag yong lalaki nag uusap sila pero wala yong magulang ng kasintahan ko kasi wala silang gusto na ako yong mapangasawa ng kanilang anak hindi ko alam bakit sila ganoon .Iyong pag uusap nila wala ring nagyari kasi gusto ng mama ko ikasal kami sa taon na iyon kaso hindi nga pwede kasi yong kasintahan ko may kapatid na ikinasal sa taon na iyon buwan ng Mayo at yong kapatid kong babae ikinasal din sa taon na iyon sa buwan ng Agosto tapos nangyari kami buwan ng Oktubre sa taong 1993.May kasabihan kasi na bawal ikasal ng sabay sabay ang magkapatid sa iisang taon.Iyon nga walang nagyari sa kanilang pag uusap .
Kinabukasan umalis ako sa kanila kasi palagi rin naman nila akong inaaway sa mga kapatid nya at pamangkin palagi nalang akong umiiyak sa bahay nila kaya lumisan kami doon sa isa niyang kapatid . At noong doon na ako nakatira sa isa niyang kapatid doon din ako kinuha ng mama ko pinadala ako sa Mindanao at doon na din ako nanganak ng Hunyo 1994. Pagdating ng Setyembre 1994/may natanggap akong sulat galing sa pinagtrabahon ko isa ring malaking kompanya dito sa Mactan Economic Zone Lapu Lapu city na recall for work ako noon kaya lang nahuli ako kasi Oktubre na ako nakabalik.Kinailangan kong maghanap ng trabaho kasi may anak na akong bubuhayin.Kahit anong trabaho pinasukan ko basta marangal lang na trabaho kakayanin ko para sa aking anak.Nang matanggap na ako sa trabaho kailangan kasi magkaroon ng kompleto na requirements para makapagsimula na pero wala akong pera ayaw ko namang humingi ng pera sa mga kapatid ko wala na akong choice lumapit na ako sa boyfriend ko at iyon binigyan nya ako ng pera para sa aking requirements
Isang araw dumating sa ponto na gusto na niyang magkaroon na ng pamilya sinabi niya na aalis kami dalhin iyong anak namin mahirap para sa akin yon, kasi mama ko nag aalaga sa anak ko.Ayokong aalis na hindi kasama anak ko kaya sabi ko kong gusto mo nang magkaroon ng pamilya maghanap ka nalang ng iba kasi ayaw ko ng gulo. Ilang beses niyang sinabi sa akin yon binalewala ko lahat kasi natatakot ako. Hanggang sa nalaman ko lang na may kinakasama na siya hanggang sa magkaroon sila ng dalawang anak. Masakit para sa akin yong nangyari sa amin parang hindi ko kakayanin noon Pero iniisip ko anak ko iyon yong nagbigay sa akin ng lakas.Pero kahit may kinakasama na siya ganoon pa rin siya sa amin. parang walang nagbago magkikita pa rin kami nag uusap at sa lahat ng mga espesyal na araw tulad ng kaarawan ko kaarawan ng anak ko, Pasko pumupunta siya sa bahay namin kahit hindi sila nag uusap ng mama ko. Hanggang sa makatapos ng kolehiyo ang anak namin at ngayon isa na siyang enhenyero at nakabasi na siya ngayon sa Japan.
Isang Araw nag uusap na naman kami buwan ng Setyembre yon kaarawan ko taong 2015 sabi niya pag siyya daw namatay pupunta ba daw kami sabi ko depende sa sitwasyon at sabi ko sa kanya pag ako namatay ayaw kong pupunta siya baka masapak ko siya kahit patay na ako, nagagalit siya biglang umalis ng walang paalam. Mula noon hindi na kami nag uusap wala na akong balita sa kanya. After six years ngayon lang taon buwan ng Oktubre muli kami nagkita pero hindi kami nagpapansinan tinginan lang kami pareho kaming nabigla at hanggang ngayon hindi pa rin kami nag uusap.Hindi na ako naninibago sa kanya kasi nakagawian na niya na pag hindi niya kami makita hahanap hanapin niya kami ng anak ko. Ito po yong kwento ng buhay ko sana nagustuhan ninyo. Maraming salamat po sa lahat .
Ito po iyong lyrics ng kanta
PAMINSAN MINSAN:by Richard Reynoso

Paminsan minsan
Naaalala pa rin kita
Kahit ngayon mayroong
Nagmamahal na ngang iba
Tuwing maiisip nitong damdamin
nagbabalik
At para bang nar'yan ka pa
sa aking tabi
Muling nadarama ang yakap mo
Natitikmang muli ang halik mo
Naririnig sinusumpang
ako ay mahal mo

Paminsan minsan ang alaala mo'y
nagbabalik
At aaminin ko hanggang
ngayon
Ikay iniibig
Hinihiling ko na kahit nasaan
kaman
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang

Paminsan minsan
Tinitingnan larawan mo
Unti unting pumapatak ang
luha ko
Pinagsisihan lahat ng aking
pagkukulang

Kaya ikaw nga sa akin ay
lumisanang

Kahit ngayon mayro'n akong
iba
Kahit sinasabing mahal
ko siya
Sa puso ko ikaw pa rin
ang mahal ko

Paminsan minsan ang alaala
moy nagbabalik
At aaminin ko hanggang ngayon
ika'y iniibig
Hinihiling ko na kahit nasaan
ka man ngayon
Isipin mo ako kahit
paminsan minsan lang

Nagpapasalamat po ako kay maam @olivia08 sa patimpalak na ito.

Inaayayahan ko pong sumali sa patimpalak na ito sina @angelycong @itsmejos @maris75

Best wishes
@gracetorrion

Sort:  
 3 years ago (edited)

Maraming salamat sa pagsali sa contest at good luck. Ginoo ang sakit . Tulo luha ko

 3 years ago 

Totoo po yan maam ang sakit pero kailangan kong palakasin ang aking loob para sa aking anak

 3 years ago 

Hindi ka nagkamali sa pinili mo kasi baka kung ngkatuluyan kato baka di maging successful anak mo. Mahalaga ang anak nasa imoha.. Pastilan oi.. Wala ka ngminyo lain?

 3 years ago 

Hello maam wala ko nagminyo lain maam malooy man ko sa akong anak babae baya focus nalang gyod ko sa iyaha

 3 years ago 

Tama kaayo ka, sa imp decision. Ayaw lang pag Maam oi.. Sister lang. Puhon mka apo ka malipay kana.

 3 years ago 

Naiiyak ako sa storya mo ate. Pero tama po yan, ang anak ang isa sa mga pinaghuhugutan ng lakas ng loob upang lumaban sa hamon ng buhay.

Manalig lang palagi sa Panginoon para magabayan pa kayo lalo.

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong storya sa likod ng iyong kanta ate. 👏👏

 3 years ago 

Salamat po maam

 3 years ago 

Walang anuman po. 😊 Salamat sa pagbahagi ng iyong talento po. Godbless 😊

 3 years ago 

Hmm, kasakit sa lovelife mo but di bale nandyan man anak mo, yan ang importante.

 3 years ago 

Yes po maam mahalaga talaga sa akin ang anak ko

 3 years ago 

ang sakit naman...

 3 years ago 

Totoo po maam ang sakit pero kailangan mag move on