"Aking Mahal"

in #philippines7 years ago (edited)

image

Mahal,
Lagi akong nagdarasal.
Ikaw ay kanyang ingatan,
Dahil ikaw nalang ang aking yaman.

Kung sakaling ako man ay mawala,
Nais kong maalala mo ang panahon na pareho tayong nakatingin sa mga tala.

Hindi natin masasabi ang ating huling daungan.
Hindi rin naman natin nais na dumating sa huling hantungan.
Kaya ngayon palang,
Ibinibigay ko na ang lahat sa iyo,mahal.
Ibinibigay ko ang aking katapatan pati na rin ang aking dangal.

Kung ako man ay iyong lolokohin,
Handa akong tanggapin.
Dahil alam ko ang aking mga pagkukulang,
Pagkukulang na minsan ko ng naranasan sa aking mga magulang.

Pero biglang pumasok sa isip ko,
Matatapos na nga ang panahon ko sa mundo,
Nagising pa ako sa reyalidad na wala palang tayo.
Bakit nga ba ganito ako magmahal sayo?
Bakit nga ba ang hirap mabuhay sa mundong hindi mo alam kung ano ang totoo?

Basta lagi mong pakatandaan,
Matapos man ang termino ko sa mundo,
Ikaw parin ang tanging mahal ko.
Naririto lang ako palagi sa tabi mo

Photo is Mine


Thanks to @iwrite for mentoring us also to @purpledaisy57 @antonette @bobiecayao and to SteemIt Diversify Family especially to @surpassinggoogle for the nonstop support

image
image

Sort:  

Allow me to give you a tip to avoid issues with your posts in the future. 1st tag of every post should be relevant to the post. Like this post, philippines is not relevant but "poetry," you can put the "philippines" on the 2nd or to the last.

Thanks for the advise

nice poem, sis.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 62763.51
ETH 2579.20
USDT 1.00
SBD 2.72