Walk of Hope : "Takip silim" by @pengrojas

in #philippines6 years ago

received_1811966358895391.jpeg

Pagsapit ng takip silim ay palagi mong hinihintay.
Hindi ko man maintindihan kung bakit ako nakikisabay.
Marahil siguro sa kwentong iyong ibinigay.
Pag asa ang hatid nito sa bawat isang nangangarap at namumuhay.

Sa bawat paglubog nito ay isang katapusan.
Maganda man o masaya ang naging kahinatnan.
Paglamon ng dilim sa haring araw na nagbibigay kislap.
Kasama ng mga pangambang sa ati'y bumabagabag.

Liwanag at dilim, dalawang salitang magkaiba.
Kahulugan din ay malayo sa isa't isa.
Pero dalawang bagay ang nagtatagpo nang dahil sa kanila.
Ang takipsilim na magtatapos ng lahat at ang pagsikat nito na magbibigay pag asa sa bawat isang naghahangad.

Pero hindi ko maintindihan kung bakit pagsapit ng takip silim ay mas nawiwili ka.
Kung sa buong araw na pagtirik ng araw ay kita naman ang saya sa iyong mga mata.
Gusto mo na bang matapos ang araw na may nakapintang ngiti sa iyong mukha?
O baka naman pawang pagpapanggap lamang ang iyon ginagawa?

"Dahil ang takip silim ay hindi palaging nagbibigay ng kalungkutan."
Iyon ang ipinaliwanag mo bigla.
"Pwedeng panibagong pag asa ang pwede mong maramdaman.
"Sa bawat paglubog ng araw ay siyang katapusan ng pangamba, at sa pagsikat naman nito ay ang panibagong pag asa."

"Patuloy kang mangangarap at patuloy kang magsisikap."
Sabi mo ng may ngiti sa iyong mukha sa harap ng papalubog na araw kanina pa.
"Kagaya ng araw na patuloy iikot para magbigay liwanag.
Pagsubok ay iyong malalampasan matakot sa dilim ay huwag dapat.
Dahil pagsapit ng takip silim, hudyat nito'y panibagong pag asang darating."

Disclaimer:
This poem was written by @pengrojas where 50% of the liquid payout will be sent to her account, the other 50% will be donated to @walkofhope Fund. This is just one way for our group to raise funds in the platform. THANK YOU @pengrojas for your ever support.

Apologies to my English-speaking friends for this poem is in Filipino. TAKIP SILIM is the Filipino word for "Dusk" or can be after "Sunset".

FB_IMG_1529910083609.jpg
Disclaimer: photo from @flabbergast-art's facebook page

Sort:  

Great poem!!! Astig!!

They sometimes relate the "Takip-silim" on a person's timeline in life where they either missed a lot in life or lived it in a fruitful manner. Lovely poem :) Ate

Thanks kuya but di ako yan..si @pengrojas!
Takip silim in the context of our charity @walkofhope

gagawa din po ako ng tula para dito, ayos lang b?e tska maghahanap ako ng larawan nyo, pwede bang matag dito?hehe

If you can check @walkofhope account...there's loads of pics there, just acknowledge whose it is. If you want to use my account and get 50% of the liquid payout, 50% to @walkofhope..i need to approve it.

sorry but i don't get it.hehe what do you mean by using your account and pay out means i'll transfer it, where? okay i'll look for a photo, thanks.

Haha don't worry. Look ka lang ng pics don and acknowledge kung kanino. Mamili ka na☺

Espero recauden mucho dinero con este Poema de @pengrojas para el fondo de @walkofhope. Saludos @immarojas

Salut et gracias!

Nice pic!!!
👍👍👍