HULING PAHINA Ni Jay VeePitao

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

1.jpg
source

Sa pagtatapos ng mga salita, narinig kong kinakausap akong aking sarili.
Ano nga bang tama sa mga bagay na alam kong masakit?
nasambit nalang ang huling paalam na tatapos sa masasayang sandali.
isa ka sa mga biyaya na ayaw ko nang tapusin dahil sa mga ngiti mong napakatamis.

images (2).jpg
source

Maglalayo tayo ng daan may makikilalang iba sa paningin.
nakatatak sa isipang walang kasiguraduhang pagtatagpo dalang hangin.
pumatak ang mga luha, dahil sa sakit ng mga bagay na nasambit,
inalala ang unang pagtatagpo.

images (3).jpg
source

Mga pangungulit ko noon
unang panliligaw na ubod ng tamis na inabot pa ng taon
pinilit ko ang isang relasyong bibitiwan ko din pala sa huli
at nasasaktan kase alam ko pwedeng di na tayo magkitang muli.

14728a2eb84c30b784113964302.jpg
source

Mahal tingnan mo kung anong nagawa ko
binasa mo ang kwento ng buhay ko
nilagyan mo ng pamagat ang bawat kwento
isang buhay na salitang nagkakaroon ng kulay dahil sa mga pangarap mo.

af754d61a21ce1fc95ec6959fd4596a4.jpeg
source

Puno ng sakit at luha ang bawat sumunod na pahina
na sa pagtatapos ng araw ay nag-iiwan ng isang saya
habang binabasa ko ang kwentong ito
hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko
nagmumuhi sa galit ang aking puso.

download.jpg
source

bumalik sa utak ko, lahat ng pangako saiyo
na alam kong simula ngayo’y hindi na
maaring matupad dahil ako ay sumuko

download (1).jpg

source

mahal patawarin mo ako
di dahil sa di mo na ko makakasama
sa bawat ngiti mo na dati ako ang gumagawa
sa pagpuno ko sa matamong mga luhang,
pinalit sa masayang ngiti
patawarin mo ako dahil sa pagmamahal na hindi ko na nasuklian
naalam kong hindi na maaring maibalik dahil pinutol ko na.

52189832-288-k129048.jpg
source

Ngayon yakap ko ang unan na pinuno ng luha
habang sinasambit ang mga salitang
hindi ko na pwedeng ipilit ang gusto ko
dahil inayawan na ako ng sarili ko
At alam kong di ko na kayang ibalik ang saya dahil alam kong tapos na,
habang pinipigilan ang mga luha at pinapanatiling matapang.

Ngayon nasa huling parte na ako
sisisihin ko ang sarili sa dulo, dahil sa pagkawala mo
lito ang sarili kung saang daan magsisimula
lalakarin ang daanang puno ng tinik ng alaala mo

Hindi katulad sa masasayang libro na may happy ending sa bandang dulo
kasi yung librong nagawa ko may nakasulat na TAPOS NA TO
di dahil tapos na ang kwento mo
at lalung hindi dahil merong PART TWO
Kundi dahil .......
tapos na ang kwento ng sakit na nararamdaman
papalayain kana ng mga salitang mababasa mo at pangako,
hindi kana sasaktan pa ng librong ito alam mo kung bakit ?

images (1).jpg
source

Dahil sa huling pahina .. sasaya kana ulit
sa huling pahina .. ay mali !!
sa huling pahina
ito na ang magiging pinakapaborito mong parte
kase makakagalaw kanang muli
kakalimutan mo ang nakaraang sakit na nagawa ko.

Sa mga luhang nailagay ko sa mga mata mo kase malalaman mo,
na di pala ako ang kailangan mo dahil may iba pa palang tao,
na mas magpapasaya sayo.

kaya ngayon tatapusin ko na to
dahil sa huling pahina gagalaw kana
yayakapin mo ang sakit tatanggapin ang lahat ng pait na dulot ng sakit ng mga salita..
kaya sa huling pahina magpapaalam kana babaunin mo ang sakit at muling babangon ang saya dalang iba.

hulingpahina.jpg
source

Credits to my mentor @tpkidkai

FB_IMG_1518087930891[1].jpgjhayve[1].jpg!

Sort:  

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

Hala sya. Broken hearted siya. Haha maganda po ang inyong akda ginoong @itsmejayvee

nasambit nalang ang huling paalam na tatapos sa masasayang sandal.

Parang nagkulang po sya ng "i" sa dulo. Nga po pala maari ko bang ibahagi ito sa aking FB page?

Salamat po at naibigan nyo ang aking akda. Opp maari sa totoo lng nailabas na to sa page ni juan miguel noong 2015 ito kase angbunang tulang nagawa ko :).

Salamat po sa pagpansin. Nabago ko na po ulit salamat po. Marame pa po akong akda. Hehe sana maibahagi ko pa dito

Hehe oo naman salamat sa pagbabahagi ng likhang Tagalog po @itsmejayvee. Kung sakali man na hindi ko madaanan ang iyong likha maari mo akong itag para mabasa ko din.

Salamat po kuya toto😀. Itag na lang kita sa iba kong tula 😁

👏👏👏👏👏👏👏👏👏👏

Salamat po :)

Haha maganda yung tula! Yung feedback dito na send ko na nung nakaraan upvote ko nalang at resteem :)

Nga pala ni nominate ko tong post mo para sa daily curation ng steemitfamilyph good luck bro!

Kuya salamat po .. ikaw nagpush sakin pra gumawa nyan :)

Lol talent mo yan. Push pa para sa maraming tula atbp.

Congratulations! You’ve been featured to our 92nd STEEMIT FAMILY PH DAILY FEATURED POST 🇵🇭👍🏼

More thank you to you @steemitfamilyph and also to our curators ..

galing ahh... :) makata

Hehw salamat po