"Baliw na Kung Sabihin Man ng Iba" : An Original Filipino Poetry

in #poetry7 years ago

"Baliw na Kung Sabihin Man ng Iba"


Hindi ko man ito sa iyo maamin
Na sayo'y may lihim na pagtingin
Hindi ko kase ito kayang isipin
Na ang tulad mo'y aking mamahalin

Kahit saan man ako tumingin
Mukha mo nakikita sa dingding
Sarili ko nalang ay umiiling
Nasa isip ka kahit saan bumaling


Puso ko'y nagtataka, nag-aamok
Kung bakit ito biglang tumibok
Dahil iba ang iyong nabibigay aliw
Hudyat ba itong sayo ako'y baliw?


"Baliw na kung sabihin man ng iba"
Ganun ata yun dahil mahal kita
Pero hindi ba ito nakapagtataka
Kung bakit nagkakaganun din ang iba?


Umaga't-gabi ikaw ang nais makita
Iba ang sustansiyang nabibigay mo sa'king mata
Balewala ang pagtingin ng madla
Basta ikaw lang aking makasama


Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)

Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.

Muli, maramng salamat po!


Photocredit 1 Photocredit 2

Coin Marketplace

STEEM 0.05
TRX 0.28
JST 0.043
BTC 67835.20
ETH 1957.66
USDT 1.00
SBD 0.35