Diary Game Season 3: June 17, 2021; Ang Pagbisita Ko Sa Aking Paaralan
Magandang umaga sa ating lahat, lalong-lalo na sa mga magigiliw na magbabasa at myembro dito sa steemitphilippines community, steemit blogging.
Noong bata pa tayo ay may mga ibat-ibang karanasan tayo sa buhay, lalo na ang buhay estudyante. Maraming kalokohan, biruan, iyakan at tawanan ang nagaganap noong bata pa tayo.
Ngayong araw na ito ay binisita ko ang aking pinakamamahal na paaralang elementarya ng Manticao, ang Manticao, Central School.
Dito sa paaralang ito, natuto akong bumasa, sumulat, bumilang at para maging responsible sa lipunan sa pamamagitan ng magagandang asal. Dito rin ako nakakita ng mga maraming kaibigan, kalaro at kakampi sa ano mang bagay gaya ng assignments.
Ito ang aming corridor sa Grade 1 pa ako. Dito kami naglalaro ng tubig ulan lalo na kung may mga tubig na nakalagay sa mga butas. Kumukuha kami ng rubber bands para gawing pampitik ng mga butete. Isang uri ng hayop na lumalaki at nagiging palaka.
Ito naman ang room namin noong Grade na ako. Tuwing may programa ang paaralan gaya ng sabayang pagsisipilyo ay dito kami nagsisipilyo sa harap mismo ng room namin. Dito rin kami nanghuhuli ng mga tutubi at tinatalian ang buntot nito upang hindi makalipad palayo. Tuwang-tuwa naman kami dito dahil lumilipad lang paikot-ikot.
Ito naman ang room ko noong nasa Grade 3 na ako. Hindi ko makakalimutan talaga noong nahuli akong nakatayo sa harap at timing na dumating ang guro namin, kaya napalo ako ng cartolina sa likod dahil sa galit ng guro namin. Nahiya talaga ako noong araw na iyon dahil nakatingin lahat ng kaklase ko.
Dito sa lugar na ito naglalaro kami ng holen. Ang ingay ng lugar dito noong panahong iyon. Napakaingay namin kong maglaro kami. Nagkagulo din kami dito nang dumating ang mga boyscout namin at pwersang kinuha ang mga holen namin kaya hinabol namin sila.
Ito naman ang covered court namin. Kung saan dito kami magsasagawa ng flag raising ceremony tuwing lunes at flag retreat tuwing byernes. Kapag malapit nang matapos ang flag retreat ay ying ibang mga estudyante ay nag umpisa nang nagsitakbohan kaya napagalitan kami ng prinsipal namin at imbis alas 4 ang uwian namin ay naging alas 5 ng hapon ito.
Ito naman ang bagong mga classroom na itinayo dito sa lugar. Dahil sa k-12 ay gumawa ang ahensya ng paaralan ng mga senior highschool students.
Ito naman ang room ko noong nag Grade 5 na ako. Dito rin kami nanonood ng palabas gaya ng sineskwela, ang paborito naming palabas. Ang ibang mga room kung saan ako nakalagay noong bata pa ako ay inuukuoa muna ng D.O.H kung saan sila nagsaagawa ng vaccination program. Kaya hindi ako makalapit sa naturang lugar.
Marami tayong mga magagandang karanasan sa ating buhay noong tayo ay bata pa. Dahil wala tayong iniinda na problema at puro laro lang ang nasa isip.
Mingaw kaayo ang eskwelahan...Heheheheh
Haskang mingawa gyud ya. Hehehe
Tuwang tuwa ako sa school memories mo @jb123 parang type ko din balikan yong Notre Dame of Jolo, Sulu doon ako ng elementary. Paano nga ba bumalik doon? Hahaha pangarap na lang...
Yes ate, noong last na nagkita kami ng guro ko na pumalo sa akin, nagpasalamat ako sa kanya dahil naging responsable ako dahil sa pagdidisiplina niya sa amin. 🤗
Binisita mo talaga paaralan mo. Ako matagal na rin d nakapasyal sa.dati kong paaralan
Yes ate, na miss ko na alma mater ko. 😁
Kanindot balikan ang mga alala sa mga estudyante sana all mkapasyal balik sa among school super busy na at may covid pa haist
Opo ate. Masaya talagang balikan ang mga masasayang ala-ala.