Steemit Philippines Photography Contest| Week #1| August 4, 2021| Calangahan Shore
Magandang umaga sa lahat mga ka steemians. Kumusta ang Araw ninyo? Sana ay okay lang ang lahat. Ito ang ikalawang post ko sa contest ng @steemitphilippines.
Calangahan Shore
Ito ang babayin ng Calangahan Lugait, Misamis Oriental. Sa pagpunta ko dito sa lugar ay nakikita ko talaga ang kagandahan nito. Malalamig ang simoy ng hangin dahil alas 6 ng umaga ay naglakad-lakad na ako sa dalampasigan. Dito sa lugar na ito makikita ang mga ibat-ibang uri ng isda. Kapag babyahe tayo mula sa Manticao papunta sa Calangahan, aabot ng 20 minutes lang dahil medyo malapit lang ito at walang traffic.
Dito sa naturang lugar, makikita ang mga malalaking bato na siyang pinamumugaran ng mga isda at iba pang lamang-dagat. May mga mangigisda din dito na pumupunta kasi ang lugar na ito ay may maraming isda. Mabuti at hindi masama ang panahon noong pumunta ako, kaya nasilayan ko talaga ang ganda ng lugar.
Ang dagat na animo'y hinahagkan ng maputing ulap at ang kulay na asul na langit ay nag reflect sa tubig-dagat kaya naging kulay asul din ang kulay ng tubig. Kahit mabato ang lugar na ito ay marami namang naliligo dito, naaliw kasi sila sa ganda ng lugar.
Malinis ang lugar dito, dahil ipinagbabawal talaga ng lokal na pamahalaan ang pagtapon ng mga basura sa dalampasigan, at sinunod naman ng mga taong nakatira dito. Sa larawan na kuha ko ay napakaganda talaga, dahil pinagsama kong kunan ng letrato ang lupa at tubig.
Minsan 3 beses sa isang linggo ako pumunta dito. Kapag nandito kasi ako, ramdam ko ang payapang isip at nakakarelax sa sarili. Kapag sunset din, maganda ang lugar na ito. Lalo na kapag maganda ang panahon, kitang-kita talaga ang ganda ng paglubog ng araw. Ang sarap talagang maglakbay dito sa Calangahan, Lugait Misamis Oriental. Makikita mo ang mga tao na responsable sa kanilang lugar sa pamamagitan ng pag-aalaga sa kalikasan. Kaya ganito talaga ka ganda ang lugar na napuntahan ko.
Ang very good naman dyan Kuya @jb123 dahil na maintain ang kalinisan..dapat sa lahat ng lugar ganyan anu, yung mas pinag hihigpitan pa ang babawal magtapon kung saan saan.
Yes ate @jewel89, buti nalang at sumusunod ang mga tao dito sa batas.
Ang inyong lugar ay u od ng ganda salamat sa inyonh pag alaga nito. Pagpalsin kayo mga tao.
Salamat nanay @olivia08 😊
Ang tao parang isda ano, gusto sa dagat pag nagmunimuni. ^_^ kahit sino, katahimikan sa sarili at sa isip Ang gusto. Salamat sa pagbahagi.
Tama ka po ate. Walang anuman po ate. 😊