STEEMIT PHILIPPINES MAJOR CONTEST: My Christmas Preparations / december 11, 2021 / #club5050

in Steemit Philippines2 years ago

Isang magandang araw po sa lahat. Kumusta po kayo nawa ay nasa mabuting kalagayan ang lahat ngayon.

20211211_200533_mfnr.jpg

Papalapit na ang pasko at lahat tayo ay nasasabik na. Kanya kanya ang ating paraan sa paghahanda sa pasko. Simple man oh magarbo ang paraan nang ating paghahanda sa pasko mas nagiging kapanapanabik parin ito lalong na kung kasama ang buong pamilya.

Simple lang aking paghahanda sa pasko. Ang ginawa kong christmass tree ay ang aking itinanim. Nakita ko lang ito sa aming kapitbahay at agad naman nasagi sa isip ko na maganda din siya gawing christmass tree kaya nanghingi ako nang sanga nito at itinanim ko ito sa di inaasahan lumaki siya at lumago kagaya nang sa aming kapitbahay kaya naisip ko na gawin siyang christmass tree.

20211211_203722.jpg

20211210_161140.jpg

Ang tanim na ito ay tinatawag sa amin na "pobreng kahoy" or poor tree. Bakit nga ba tinatawag siya na pobreng kahoy syempre nang nalaman ko kung ano pangalan niya nagtanong ako kung bakit pobreng kahoy ang kanyang pangalan. Ayon sa napagtanongan ko kaya siya tinawag na pobreng kahoy dahil kakaunti lang ang kanyang dahon. Ang pobre dito sa amin ay nangangahulugan na salat sa yaman kagaya nang tanim na na ito na salat din sa dahon kaya siguro tinawag ito na pobreng kahoy pero hindi ko talaga alam kung ito ba talaga ang dahilan kong bakit siya tinawag sa pangalan na iyon. Ito ay ayon lamang sa mga napagtanungan ko.

20211210_161112.jpg
Simpleng christmass decors lang po ang aking inihanda at sinigurado ko po na magaan lang po ito lahat dahil kawawa naman po ang aking tanim baka mabigatan.

20211211_205654.jpg

20211211_205940_mfnr.jpg

Malaki po ang kaibahan sa pasko ngayon at sa noon. iilan nalang po ang mga bahay na merong mga christmass decors at christmass lights hindi katulad noon na halos lahat nang bahay ang nag niningningan sa mga christmass lights. Peru kahit na hindi na nagniningningan sa mga christmass lights ang mga bahay ang importante hindi natin nakakalimotan na ang pasko ay ang kaarawan ni papa jesus, at ang pasko ay araw din nang pagbibigayan dahil ang buwan nang december kung kailan gaganapin ang pasko ay araw nang bunos 😅. Isa sa mga nanabik sa pasko ay ang mga bata na sigurado na makakatanggap nang maraming regalo. Kaya sa paparating na pasko ay mag oorganisa ako nang isang christmass party para sa mga bata at syempre magtutulungan kaming magkakapitbahay para sa mga papremyo at mga candies. Siguradong magiging masaya ang mga bata.

At sa di inaasahan na pagkakataon ay meron na po akong natanggap na malaking blessing. Isa po itong napakalaking regalo po sa amin ngayong pasko.

20211211_174809_mfnr.jpg

Ako po ngayon ay nagdadalangtao napo. Sa tinagal tagal namin na paghihintay na mabuntis po ako ay dumating na po ang araw na sa wakas ay nabuntis na ako. Puro po kasi lalaki ang aking mga anak at gustong gusto ko pong magkaanak nang babae kaya masaya po ako na buntis napo ako ngayon baka po babae na ito peru kung lalaki parin malugod ko parin itong tatanggapin at mamahalin.

Maraming salamat po sa pagbasa

Iniimbitahan ko po sina @chibas.arkanghil, @natz04, @maephine na ibahagi ang inyong paghahanda para sa darating na pasko.

Sort:  
 2 years ago 
 2 years ago 

Congrats! Sa magiging new baby mo boy man or girl, talaga good news Yan sa into, another member of the family.

 2 years ago 

Salamat po

 2 years ago 

Yeheey... congrats dai. Hope baby girl siya...

 2 years ago 

Salamat dae may unta baby girl

 2 years ago 

Yeheey baby girl na Sana..

 2 years ago 

Sana😊

 2 years ago 

Sana baby girl na yan sis! congratulations!

 2 years ago 

Thank you sis😊

 2 years ago 

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

 2 years ago 

Salamat po

 2 years ago 

salamat po sa pagsali, good luck po sa result😊

 2 years ago 

Salamat po

 2 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9.7
2. Creativity.9.8
3. Technique.9.6
4. Overall impact.9.7
5. Story quality.9.8
Total Rating9.72

Thank you for your entry. Merry Christmas!

 2 years ago 

Salamat po

 2 years ago 

Congrats dae @jeanalyn. Hoping for a happy and safe pregnancy.

 2 years ago 

Thank you te

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.11
JST 0.030
BTC 67489.61
ETH 3762.16
USDT 1.00
SBD 3.56