The diary game // december 2,2021 // #club5050// Ang bagong bukas na tindahan

in Steemit Philippines3 years ago

Magandang araw po sa lahat nandito na naman ako upang magbahagi nang aking kwento ngayong araw na ito.

20211202_194134_mfnr.jpg

Ang larawan na ito kuha sa isang tindahan na kakabukas palamang na malapit lang sa aming tinitirhan sa katunayan ay naglakad lang kami kasama ang aking mga kapitbahay.

Marami kang mabibili sa tindahan na ito. Meron silang mga gamit sa kusina katulad nang plato, kutsara, tinidor kaldero at marami pang iba. Meron din silang planggana, floormat, foam, wallpaper at marami pang iba. Meron din silang mga laruan sayang at hindi ko nadala ang mga anak ko, siguro sa susunod na balik ko dadalhin ko na sila.

Bukod sa marami kang pagpipilian sa kanila tindahan mura lang din ang kanilang mga benibenta kaya swak na swak sa budget natin.

20211202_195315.jpg

20211202_194157_mfnr.jpg

20211202_194114_mfnr.jpg

20211202_194111_mfnr.jpg

Oh di bah marami kaming nabili sa tindahan na iyon. Peru mura lang po ang mga iyan. May nagsasabi na kaya daw mura ay dahil daw madali lang masira peru sabi ko naman kahit anong halaga nang gamit mahal man oh mura kung hindi mo alam paano ito ingatan masisira at masisira rin ito.

20211202_194958.jpg

20211202_194935_mfnr.jpg
Medyo mahaba haba narin ang pila kasi marami din ang bumili doon.

Peru sa totoo lang mahilig talaga akong mamili nang mga gamit sa kusina peru kulang palagi sa budget kaya paunti unti lang ang bili ko. Peru ang isa talaga sa nagpa ingganyo sa amin na subukang mamili sa bagong bukas na tindahan na ito ay ang kanilang opening promo 😅. Kapag ang iyong binili ay aabot sa isang daan pataas ay meron kang libreng milktea. Ipapakita mo lang ang iyong resibo at yun na bibigyan kana nila nang libreng milktea.

20211202_195447.jpg

20211202_195426.jpg

Nakamura ka na nakalibre ka pa san ka pa 😁. At plano ko pa po na bumalik doon kahit wala nang libre na milktea dahil sulit talaga ang pera mo doon dahil marami kang pagpipilian na mga gamit sa bahay.

Hanggang dito nalang po ang aking kwento at salamat po sa pagbabasa.😊

Sort:  
 3 years ago 

Wow Sana all naka milk tea..

 3 years ago 

Hahaha nakalibre jud 😅

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 67447.76
ETH 3523.98
USDT 1.00
SBD 3.11