Tapusin ang Kwento: Ang Paglubog ng Araw

in #steemph6 years ago (edited)

Marahang binabaybay ni Gabriel ang kahabaan ng dalampasigan gaya ng nakasanayan niyang gawin sa tuwing siya ay nahahapo sa magulong daloy ng mundo sa kaniyang paligid. Malumanay ang hampas ng alon sa dagat na hinahayaan niyang bahagyang humalik sa kanyang mga binti. Salungat sa daloy ng diwa niyang tila daluyong ng samo't-saring isipin na bumabagabag sa kaniyang kalooban. Gusto niyang malunod sa kaniyang sariling mga emosyon kaya mas ninais niyang mapag-isa. Hindi niya rin maunawaan kung ano ba talaga ang kaniyang hinahanap. O kung mayroon ba siyang hinihintay.

dawn-3145646_960_720.jpg


Ang araw na kanina’y tirik na tirik ang pagsikat ay nagbabadya nang magpaalam. Habang nakatitig sa kawalan, ang kaninang namumuo niya pa lamang na mga luha ay dahan-dahan nang nagsibaba at humahalik sa makulubot niyang pisngi.

Pagsisisi.

Iyan ang sumusukob sa katauhan ni Gabriel ngayon. Wari’y maihahalintulad niya ang sarili sa araw na patapos na ang pagsikat. Ngunit hindi siya gaya ng araw kung saan mawawalan lamang ng liwanag ng ilang oras at babalik kinabukasan. Dalawang araw na lamang at magwawalong dekada na siya sa mundo. Ramdam niyang ang liwanag ng kaniyang buhay ay nagbabadya na ring magpaalam.

“Mag-asawa ka na’t malapit ka nang lumagpas sa kalendaryo,” ang laging paalala sa kaniya ng ina.

“Kaya kong mag-isa, nay. At mas kailangan kung kumayod kaysa atupagin ang bagay na ‘yan,” ang lagi niya namang sagot.

Noong nagkaroon na siya ng isip ay ninais na niyang magaya sa mga magulang kung saan ay bubuo rin siya ng masayang pamilya. Nais niyang bago magdilim ay makauwi na siya at sasalubungin ng mainit na yakap ng kaniyang asawa at pangungulit ng kaniyang mga anak. Nais niyang mamuhay ng payak kasama ang mga taong paglalaanan niya ng kaniyang buhay.

Lumipas pa ang maraming taon at siya’y nakapagtapos ng kolehiyo. Tila nakalimutan na niya ang mumunting pangarap na binuo. Nakapagtrabaho siya nang maayos bilang supervisor sa isang pabrika kung saan ay kumita rin siya nang maganda. Sa karangyaang biglaang natamasa ay nakalimutan niyang lingunin ang pinanggalingan.

“Anak, ang lagi naming hangad ng iyong ina ay maging masaya ka,” nakangiting turan ng kaniyang amang nakaratay na sa ospital.

Ang pabulong na boses at hirap nito sa paghinga ay tanda na malapit na itong magpaalam anumang oras. Ngunit sa kabila ng sitwasyon ng kaniyang ama ay bakas sa mukha nito ang tunay na nararamdaman. Kumikislap ang nangungusap nitong mga mata. Ganoong-ganoon ang kaniyang ama sa tuwing kausap ang kaniyang ina na isang taon na ring namayapa. Ang labi nitong pinaliligiran na ng kulubot ay dahan-dahan ngunit magiliw pa ring nagpinta ng ngiti na siyang nagbigay ng kakaibang liwanag sa mukha nito.

“Marahil ay bata ka pa, anak. Ngunit maikli lamang ang buhay. Kung darating ang araw na tayo’y magpapaalam na, mas maluwag sa dibdib kung bago tayo magpapalam ay nalaman natin kung ano ba talaga ang layunin natin sa mundo.”

Napakamakahulugan ng huling salitang binitiwan ng kaniyang ama. Ngunit dahil wala pa siyang pakialam sa bagay-bagay ay hindi na niya iyon inintindi.

Pumanaw ang kaniyang ama, ngunit nagpatuloy siya sa nakagawian. Wala na ang mga magulang na gumagabay sa kaniya at wala na siyang ibang malapit na kapamilya. Pero para sa kaniya ay mas nakabubuti iyon dahil mas gusto niyang mamuhay nang mag-isa. Isinubsob niya ang sarili sa trabaho, ngunit iwinaldas ang pera sa pagsusugal sa kasino at pambababae.

Para sa kaniya, iyon ang layunin niya sa mundo. At naisip niyang nagawa na niya ang nais ng ama para sa kaniya ̶ ang maging masaya. Iyon ang kaligayahan na alam niya. Ang kaligayahan na pansamantala lang pala.

Muli niyang pinagmasdan ang araw na tuluyan nang lumubog. Sa paggunita sa nakaraan ay muli niyang naalala ang laging tinatanong ng kaniyang ama bago ito namayapa.

Ano sa tingin mo ang layunin mo sa mundo?

Magwawalong dekada na siya sa mundo, ngunit tila siya’y nagkakaisip pa lamang upang tanungin ang sarili niya sa layuning inukit ng tadhana para sa kaniya. Ang sakit na iniiinda niya ngayon ang tanging baon sa mga taong lumipas. Wala siyang pinahalagahan. Kahit ang kaniyang katawan na tangi niyang puhunan sa pakikipagsapalaran sa mundo ay kaniyang inabuso. Wala siyang nabuo. Ang mumunting pangarap ay hindi niya nagawang maisakatuparan, kaya ngayon ay mag-isa niyang tinatahak ang landas ng buhay.

Nag-iisa. Nalulungkot. Nanghihinayang. Nagsisi.

Gusto niyang bumawi, ngunit ito na’y imposibleng mangyari.

sunset-3156176_960_720.jpg

a.png

Bilang ng mga salita: 625
Ito ay aking entrada para sa patimpalak ni Mam @romeskie (Tapusin ang Kwento).
pinagkunan ng larawan: 1, 2

steemphbanner.pngOlodi_Jem_1.jpg

Sort:  

grbeha ba, fighter kaau, ani dy pag suwat.haha

Posted using Partiko Android

Mas fighter jud ka, Paul. Kay 3 parts na gud imong nahimo. :D

shava oi, wa man sy klaro, pinataka raba.haha

Posted using Partiko Android

Pakiramdam ko ako ang pinapatamaan nito simula umpisa hanggang sa huli haha.

Sorry naman kung natamaan ka, boss. Hehehe. Pero hindi pa huli ang lahat para sa atin kung may gagawin tayo ngayon para sa hinaharap. :D

Isa ito sa mga kinatatakutan kong mangyari sa akin. Kaya ingat na ingat ako sa bawat hakbang na ginagawa ko sa kasalukuyan. Gusto kong lisanin ang mundo ng masaya at walang bahid ng kalungkutan. Ang ganda naman ng gawa mo Titser. Saludo ako.

P.S.
Parang sya si Gabriel sa aking kwentong ginawa , yung tipong pasarap lang ang alam nyang gawin sa buhay. 😂

Papetiks-petiks lang kasi tayo habang bata pa. Sana nga hindi tayo magaya kay Gabriel sa hinaharap. Wala naman ding gustong magaya sa kanya. Salamat sa pagbasa nito, manong. :)

Bakit tinamaan ako. Galit ba kayo ss matanda

Pero napakagandang mensahe.
Isang napakainam na paalala
Salamat sa iyong akda lodi PP

Posted using Partiko Android

Hindi naman ako galit sa matanda, BD. 😁
At pasensya na rin kung natamaan ka. Iyan din kasi ang layunin ko sa pagsulat niyan. Hindi lang ang sarili ko ang patamaan, kundi ang karamihan din talaga. 😊

  • Napakaepektibo nito lodi PP
  • minsan may mga magsasabi sa iy ong mga bagay na iyong nakakligtaan
  • gusto ko sana magpasalamat , "things pfuh"

Nagustuhan ko yung simpleng pagkakalapag ng storya sa akda mong ito ate @jemzem. Bawat salita, pangungusap at talata ay siksik at mahalaga. Kumbaga sa tong-its, walang tapon.

Eksakto ang kombinasyon ng paggamit ng mga tayutay at pang-uri para maiparating sa mga mambabasa mo ang mensahe ng kwento. Ito talaga ang hinahanap at ginagaya kong pagkakadetalye sa mga bagay-bagay sa isang storya.

Kung may kailangan lang na ayusin sa akdang ito ay ang pangungusap na ito:
Ngunit hindi siya gaya ng araw kung saan mawawalan lamang ng liwanag ng ilang oras at babalik kinabukasan.

Maaari itong maipahayag nang ganito:
Ngunit hindi siya gaya ng araw na kung mawalan man ng liwanag ay ilang oras lamang at babalik din kinabukasan.

Isang napakaliit na bagay na ni hindi ko masabing pagkakamali.

Sa kabuuan, isa talaga itong tatak @jemzem na akda. Simple, deretsa, pulido.

Maraming salamat sa siksik at malamang komento, mam Rome! 😍
Nakakatuwa talagang makabasa ng ganito kahabang komento. At salamat rin pala sa pagpuna sa pangungusap na 'yon. Medyo off nga basahin. Hehehe. At mas preferred ko 'yong correction mo kasi mas maayos ang pagkakaayos sa mga salita. Muli, maraming maraming salamat, romeskie! 😍😍😍


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.