Dear Jennybeans -- Steemitserye: Karma ng Buhay Ko
Nakarma ata ako. Ang karma na noon akala ko ay imposible. Isang pangyayaring imposible na mangyari sa akin. Jennybeans, ang karma na hindi man lang nakuhang magpaalam kung kelan siya aatake. Ni wala man lang abiso na ngayong araw o ngayong oras na 'to darating at maniningil siya. Hay, bakit kaya noh? Sana man lang nakapaghanda ako.
Dear Jennybeans,
Ako si Chloe, 24 anyos at isang babae na inaamin kong medyo pasaway. Ako yung tipong hindi marunong makontento sa buhay lalo na sa pag-ibig. Sabi nga nila may 9 tails daw ako dahil wala sa bokabularyo ko ang salitang "stick to one" kasi nga para sa akin "the more, the merrier". O diba Jennybeans, parang ice cream lang 3 in 1+1 to the nth power = happy kaarawan. Parang laruan lang sa akin ang pag-ibig at alam kong medyo hindi magandang pakinggan lalo na para sa mga kabataan pero gusto ko lang i-treasure ang mga araw ko dito sa mundong ibabaw at oo, ito ang pamamaraan ko. Ganito akong klaseng babae Jennybeans. Ganito si Chloe.
Matagal na akong naging ulilang lubos; walang ama't ina kung kaya sa bahay na lang ako ng tiyahin ko nanunuluyan. Matagal na rin ang panahon nang huli kong maramdaman ang pagmamahal at pagkalinga ng isang magulang. Ang pag-aalaga na hinahanaphanap ko at kay tagal ko ng gustong maramdaman. Salat at uhaw ako sa pagmamahal kung kaya't naisipan kong hanapin ito sa iba. Hindi ko naramdaman ito mula sa mga ka mag-anak ko dahil may kanya-kanya na silang pamilya, yung akin na lang ay meron akong matulugan, makainan at may bahay na mauuwian. Hinanap ko ang pag-ibig sa kahit na sino sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kung sinu-sinong mga lalake. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.
Jennybeans, pumasok ako sa isang relasyon noong ako'y labimpitong taong gulang pa lamang. Nagpabaya ako, puro lakwatsa, gala, pagbabarkada at gimik lang ang inaatupag ko total wala na akong pamilyang mag-aalala sa akin. At 17 years old Jen, naisuko ko na ang Bataan. Pinasok ko na ang pakikipagtalik sa mga naging nobyo ko. Hanggang sa dumating ako sa punto ng buhay ko na napapagod na rin ako sa pinaggagagawa ko. Nagising ako sa katotohanan na I'm not getting any younger now kaya naisipan kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral. Nag working student ako at sa awa ng Diyos nakapagtapos ako ng hayskul. Napag-isipan kong magtrabaho na lang kesa mag-aral sa kolehiyo. Natanggap ako sa isang pagawaan ng sapatos at ang sahod ko ay pinang susuporta ko sa aking tiyahin sa mga panggastos namin sa bahay. Ang kapal naman ng mukha ko kung hindi ako tutulong diba? Wala naman ata akong utang na loob kung ganon.
Kalakip ng aking pagbabagong buhay ay ang bagong pag-ibig; si Xavier. Sa totoo lang Jennybeans, hindi matutumbasan ng kahit na anong kayamanan o halaga ang kaligayahang nararamdaman ko dahil sa kanya. Totoo yan, dahil tinanggap niya kung sino at ano ako. Tanggap niya ang naging nakaraan ko, tanggap niya na hindi ako kasing linis ng ibang mga babae dyan kahit pa sabihin nating ayaw sa akin ng mga magulang at kapatid niya ay mas napili niyang ipagtanggol at ipaglaban ko. Walang kulang saming relasyon punong-puno ito ng saya't pagmamahal. Ay mali, hindi pala puno kundi sobrang-sobra pa nga. Pero kahit gaano pala ka buti ng tao sayo at kahit na ipinapakita mo sa kanya na sinsero't seryoso ka sa pagbabago ng buhay mo, ang tao ay tao pa rin. Sabi nga nila, andali lang maging tao pero napakahirap magpakatao. Jen, I'm telling you si Xavier ay pormal na klase ng lalaki, inosente, mapagkakatiwalaan pero na tukso pa rin siya.
Jennybeans si Xavier na ata ang karma ng buhay ko. Pinayagan ko kasi siya na magtrabaho sa Cagayan, syempre medyo malayo dito sa amin sa Bohol. Hindi lingid sa aking kaalaman na maraming magagandang babae dun, talentado at higit sa lahat mga wise. Oo, marahil hindi lahat pero Jen may nakilala siya doon, estudyante pa sa hayskul at kulang din sa pinansyal. Malaki-laki rin ang pangangailangan nito sa buhay at ito namang si Xavier ay nagtatrabaho sa isang kompanya sa Cagayan kaya madalang lang kami kung magkita. Syempre ako, malaki ang tiwala ko sa kanya pero nung time na mas nawiwili na siya sa babaeng yun ay doon na ako biglang kinabahan. Pakiramdam ko hindi na ito basta-bastang kalokohan lang nilang dalawa. Alam mo ba ang pinagseselosan ko ay kinse anyos pa lang samantalang ako, kaunting taon na lang pwede ng mag-asawa. Medyo malaki ang agwat ng mga edad namin para pagselosan ko siya pero hindi ko maiwasan dahil ang atensyon, oras, at panahon na dapat ay sa akin, sa kanya iginugugol at ibinibigay ni Xavier.
I confront him at pinuntahan ko talaga siya sa Cagayan. Tinanong ko siya kung ano nga bang meron kami o kung may matatawag pa ba akong "kami". Ayaw kong makipaghiwalay sa kanya dahil nagdadalang tao ako. Gusto kong isilang ang bata sa sinapupunan ko ng may kinikilalang ama. Parang lutang lang si Xavier hindi makapagsalita at hindi rin makagalaw. Jennybeans kasi sa totoo nyan buntis kaming pareho ng babae niya. Dalawa kaming nangangailangan sa kanya. Alam kong may mga pagkakamali rin ako at alam kong karma ko na rin siguro ito. Pero nagbago na ako subalit ang kasabay ng pagbabago kong ito ay naging malaking sagabal na ngayon. Umuwi ako sa Bohol na luhaan at nahihiya. Nahihiya ako sa sarili ko dahil pumunta ako run na parang wala lang. Na para bang estranghero ako sa mga mata niya. Makasarili man kong tawagin pero mas gusto kong sarilihin si Xavier. Ngunit naisip ko rin na kawawa naman yung babae, menor de edad pa siya at hindi pa niya kayang buhayin ang sarili niya eh ako? Kaya kong maghanapbuhay pero ewan ko ba ang sakit sa dibdib at parang pasan ko na rin ang daigdig.
Hay Jennybeans, ang hirap. May pangako pa kami sa isa't isa na bubuo kami ng pamilya. Sabay kaming mangangarap para sa kinabukasan namin. Pero ba't ganun? Sino ba ang dapat na magpa-iwan? Sino ba ang dapat niyang piliin? Ako ba o siya?
Kung umabot kayo sa pagbabasa hanggang dito, congrats hahaha. Siya nga pala pasensya na sa title. Isa sa mga rason kung bakit hindi ako gumagawa ng mga kwento at tula ay dahil mahina ako sa paggawa ng title. Ansaklap 😂😂😂 Mabalik tayo kay Chloe, Wow! hanep ni Xavier.. Poging pogi eh noh? Hitting two birds with one stone ganern.. Tsk! Tsk! Tsk! Mga kapatid, kapamilya, kapuso't kabarkada ano sa tingin niyo ang magandang gawin ng ating bida? Nararapat bang ipaglaban niya ang kanyang karapatan sa pag-ibig ni Xavier at ang pagkakataong may pamilyang makagisnan ang kanilang magiging anak o ipauubaya na lamang niya ang binata sa isang menor de edad na kagaya niya'y nagdadalang tao rin?
-Philippians 4:13-
Very very nice sis @jennybeans gawa ka pa madami heheh. Nakakainis yan si Xavier ah baka ma dswd siya naku naku naman talaga ang manok pag may palay sige lang ang tuka.
Thank you sis @rodylina 😊
Oo nga nakakainis itong si Xavier pati bata pinatulan. Ibang lalaki nga naman tsk! tsk! ganyan ang prinsipyo sa buhay... Kawawa si bagets 😭
Tama. Very bad pag ganun.
ay grabeee naubusan ako ng bangz at nakalbo na ako sayo @jennybeans
waaaaa ang drama ng peg sobra. Cguro para sakin, kung sya ay para sayo, para sau, walang pilian mahirap mamili. Babaerong Javier to ah hmp! Tas pareho pa kayong bunstih? paano na? anak ka ng tokwa tsk.tsk.
Kaya mo yan Chloe, mahirap pero pagmamahal ay kusang ibinibigay at hindi hinihingi o kinakaawan. Bumangon ka!
sis anong inspirasyon mo dito? graveeee pak na pak!
Oo nga sis babaero tong si Xavier. Kala mo mabait yun pala, naku mabait lang pag natutulog di pa nahiya't binuntis silang dalawa eh menor de edad yung isa. Kaloka sinira niya ang magandang bukas nang batang yun. Tsk!
Tama ka jan sis. Sasabihin ko kay Chloe ang advice mo. Kailangan niyang bumangon at magsikap pa lalo para sa kanilang dalawa ng anak nya. At tyaka ok lang naman magtiwala pero wag na wag kokompyansa.
Sis mahilig kasi ako manood ng mga drama at teleserye tapos yung may mga ka dramahan sa life, nakiki-empathy ako. Nilalagay ko yung sarili ko sa shoes nila para madama ko kung gaano ka intense ang problema nila ganun. Hahaha, pak na pak ba sis? Thank you at nagustuhan mo. 😂 Kaso di ko alam kung gagawa ba ako ng part 2 nito o ipauubaya ko na lang sa mga nagbabasa na kala mo pelikula na may pa cliff hanger effect hahahaha 😁
gawan mo ng part 2 sis kung may time ka hahaha
sakit sa bangz ang galeng nyo sobra! hahaha
panalo, kaka emote ko d2 haha
Kaloka si Chloe, fly talaga sa Cagayan ang lola mo, in the first place bakit mo ba hinayaang makipaglandian si Xavier dun sa bata... Ayan tuloy... Well just let him acknowledge the baby and choice na nya kung bibigyam ka ng support... But when it comes to your relstionship to Xavier, malabo na yun wag ka ng umasa deadma na sa kanya... Focus mo na lang sarili mo kay baby... There's a lot of fishes in the ocean, at saka ka na mamingwit pag ready na ang puso at malaki na si baby...
Hahahahaha lakas maka ate charo ng steemitserye na to hahahahaha... Good job dear @jennybeans
Oo nga gumastos pa ng ticket papuntang Cagayan eh wala din naman siyang napala dun. Akala niya kasi kaibigan lang ni Xavier yung bata. Akala niya brother-sister relationship lang ang meron sila. Pero yun nga marami ang namamatay sa maling akala.
Maganda ang point mo ate, kailangan i-acknowledge ni Xavier yung baby. Ok lang kahit na wala ng pag-asa ang pagmamahalan nila basta ba di maramdaman ni baby nya na walang fatherly figure na magmamahal sa kanya. At siguro nga matagal tagal pa bago siya pumasok sa isang panibagong relasyon. Yung fully ready na talaga siya. :) Salamat sa advice mo ate @avhyaceulip very straight forward 😊😊
Hahahaha. Maraming salamat. Maganda ang naging feedback at first kasi I'm in doubt kung i po-post ko or not hahaha. Buti na lang nagustuhan nyo 😊😊😊. Thank you ulit @avhyaceulip
😘😘😘
Sis @jennybens bravo bravo! Pwedeng itaas ang bandera ng #steemitserye. Hahaha. Ubusan talaga ng bangz eto! Paano ba yan? Sobrang sakit! Siguro sa iba karma ang tawag diyan. Pero para sa akin isa na naman yang pagsubok ng buhay Chloe. Pagsubok kung dapat mo ba ipaglaban karapan at pagmamahal mo. Pagsubok kung dapat mo bang iparaya si Xavier. Pagsubok kung babalikan mo ang dating buhay mo pagkatapos mong malaman ang lahat. Pagsubok kung kakayanin mo ang lahat ng sakit at kung ito ba ay iyong haharapin.
Kaya ky @jennybeans ka na humingi ng payo eksperto yan pagdating sa buhay pag-ibig. Hahaha
Ay char dhai iba din hahahaha
O Chloe makinig ka kay @shikika .. Iba talaga pag ang nagpayo yung mas eksperto sa mga bagay-bagay hahahaha :)
Yung pasalubong ko sis i-deliver mo na lang sa discord :D
Hahaha. Sis@jennybeans gorabels mo na yan. Ikaw na si DJ Jelly! Hahaha
Naubos na pasalubong sis. Hindi na daw aabot sa discord. Hahaha
Pwede na kayong magtayo ng radio station, sis :)
Ang ganda! Waley ako ma-say <3
Salamat sis :) Nabigyan mo ko ng idea na gawing radyoserye to hehehe.
Thank you sis <3
You got a 4.49% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!
Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!