Steemit Philippines, The Diary Game Season 3 | "RoadTrip, A Birthday Gift!"
Maganda Araw mga ka-Steemian lalo na dito sa Steemit Philippines Community. Kamusta po kayo? Nawa'y nasa maayos kayong kalagayan at kalusugan.
Matagal-tagal madin ang huli kong blog dito sa Steemit sa kadahilanang hirap ako makapag upload ng mga pictures at sa poor connection area ako nakatira.
Nais kopong ibahagi sainyu ang roadtrip diary ng aking special na anak namay Down Syndrome, isang munting regalo para sa kanyang kaarawan. Ang kanyang palaging hiling halos araw-araw hehe. Gusto nya po kasi lagi mamasyal habang naka sakay sa tricycle. Kaya naman sa kanyang kaarawan ay napaka saya nya.
Noong July 26 po ang kanyang kaarawan, siya ay 8yrs.old na. Hindi man kami nakapag handa sa kanyang kaarawan katulad ng ginagawa ng iba, ngunit naibigay naman namin ang kanyang ultimate happiness sa araw na yun.
Nag arkila kami ng tricycle malapit sa aming tahanan. Kasama ang aking mga anak at nag roadtrip samay high-way dito sa Morong, Bataan. Mabuti at nakisama ang magandang panahon ng araw na yun.
Paradahan ng tricycle
Ang aming nariko, birthday girl!
Ang magandang high way ng Morong Bataan
Lumipas ang 15minutes, ako ay nag pasya huminto sa isang convience store para bumili ng ice cream. Syempre alam naman nating happiness ng mga bata ang ice cream hehehe.
Magnolia ice cream, Combo flavor.
Pagkatapos namin mamili, nag tanong ako kay manong driver kung saan may mabibilhang lutong ulam para sa aming pananghalian. At dinala nya kami sa isang Food Haus sa tabi lang ng high way.
First time kong mamili dito at mukhang masasarap ang kanilang mga panindang ulam. Marami daw dumadayo dito at nagpapa cater lalo sa mga handaan. Dalawang klaseng ulam ang aking binili, crispy pork sisig at pork gata namay sitaw.
Ems Food haus Roast Chicken & Catering Services
Kami ay nagtungo na pauwe para mananghalian sa bahay. Sinabihan ko si manong driver na huwag bilisan ang takbo para mas maEnjoy pa ng aking anak ang pag sakay sa tricycle.
Isang pang magandang view ng high way dito sa morong bataan
Nang kami ay makarating na sa labas ng aming tahanan, nagpasalamat ako kay manong driver para sa safe roadtrip namin mag-iina. Pagdating namin sa bahay, agad binuksan ng aking mga anak ang ice cream. At syempre ang aming birthday girl ay hindi magpapahuli hahahha.
Nagustuhan nya ang flavor, vanilla salad at ube.
Hanggang dito na lamang po ang aking diary.
Maraming salamat po sa pagbabasa. Sa uulitin!
Smile,
@jewel89
Happy Birthday Nariko! Big girl na. Buti at nakapasyal Naman sa birthday niya. Simply lang happiness niya. Sakay sa tricycle happy na siya.
Thanks a lot po Mom 💟💟💟
happiest birthday to you Nariko! Magkasunod sila ni Matti!
for sure sobrang saya nya jan sis... yun lang naman ang importante!
Luzon Mod,
@junebride
Happy birthday beautiful girl!
Happy Birthday Nariko! God Bless you more!
REMINDERS
*-Please take to PowerUp at least 50% of your earned Steem/SBD for you to join at least #club5050 Status and be recommended for the Booming Support Program.
God Bless ate!
Happy birthday 🎉🥳🥳🥳...atlast nahanao na din kita ate...nag stalk ako sa followers ni ate jean hehe