The Diary Game: Season 3 | Jan. 18, 2021 | Distribution at Retrieval ng Modules
Kamusta po sa lahat ng aking ka-steemian dito sa STEEMIT PHILIPPINES Community!!!
Matagal-tagal nadin pala ang lumipas na hindi ako nakapag post dito, dahil sa kadahilanang hirap ako makapag-upload ng photos. Kaya muli kopong susubukan mga ka steemian. Na-missed kopo kayo!
Natutuwa ako dahil nagbukas na muli ang Diary Game Contest. Ibabahagi ko sainyu ang aking pangyayari kahapon.
As of January 17, last day na muna daw ng aming pagpunta sa eskwelahan ng FAMES (Facundo Angeles Memorial Elem. School) para ibalik at kumuha nga mga modules ng aming mga anak. Dahil nagkaroon ng Health Break ang lahat ng mga butihing Guro sa lahat ng eskwelahan ng Morong, Bataan. Kaya naman minabuti kong mag picture picture.
Sa pagpunta ko sa room ng aking dalawang anak na grade 4, naabutan kong nag aayos ng mga modules si Teacher Cindy. Napaka-dami ng modules. Bawat estudyante ay may kopya, imaginin nyu gaanu karami ang pini-print ng mga teacher quarterly. Sabe ni Teacher Cindy, madalas daw sila umaabot ng alas-dos ng madaling araw sa pagpi-print ng mga modules. Nasa 500pcs modules nilalagay nila sa bawat kahon at nilalagyan ng subject pra naka organize. Kaya hindi rin biro ang kanilang trabaho.
Kwento pa ni Teacher Cindy, sa tuwing retrieval o saulian na ng mga modules. Inaabot nadin sya ng late night sa pagche-check isa-isa ng mga nasagutang modules.
Habang pinagMamasdan ko ng buong classroom, nakaka missed makita ang mga estudyante sa mga bawat upuan. Nagsusulat, nagbabasa, nagkukulitan, may mga nag-iingay hehe. Sana matapos na tong pandemya na kinahaharap natin. Para muling makapasok na sa mga eskwelahan ang mga bata. Sigurado akong sabik na sila pumasok at magkaroon ng baon hahaha.
Matapos kong maibalik at makuha ang mga bagong modules, nagpaalam na ako kay Teacher Cindy. Pinaalala nya saakin na mayroong muling milk feeding na ipapamahagi para sa bawat estudyante, kaya naman ako ay pumila na.
Co-Parents 🌻
School Milk Para Sa Batang Pilipino 💙
Masarap at nagustuhan ng aking mga anak ang malamig na gatas. Grateful sa nag donate nito sa aming eskwelahan.
Share ko pala itong malinis at bagong gawa na hugasan ng kamay.
Magandang instruction para hindi magsayang ng tubig 👍
Hanggang dito napo ang aking Diary. Masaya akong natapos mong basahin hanggang dito. Magkita po uli tayo sa susunod kong blog/post.
Salamat at stay safe po tayong lahat!
Nag-iiwan ng ngiti,
@jewel89
J E W E L 8 9
Mother | Crochetist | Travel | Music Lover | Photography
• • •
Grabe talaga pag teacher. Grabe ang dedication, commitment, and love nila sa kanilang mga trabaho. Kasi ang hirap, pero dahil nga love nila yung trabaho nila, nakakaya nilang magsacrifice. Kaya hats off talaga sa mga guru diyan.
Tama kapo sis @kneelyrac kahit pandemic todo parin ang kanilang pag ganap bilang guro. Goodmorning sis ☕
I love your diary sister ko, I love how spacious the classroom is, mukhang mas stressed pa nga yata mga teachers ngayon akakgawa ng modules kesa yong normal f2f. Well, teaching is a great and noble calling so teachers have to do what is needed in order for their students to learn. Now with this pandemic they are extending so much of their time and effort kaya it's good to know they have a health break so they can relax and spend time with their families as well. Ang ganda ng school and I love that new sink tama para mga bata at an early age matutong maging hygienic and at the same time learn to save water. I love the location if the school as well. Lovely diary♥️♥️♥️
ThankYou so much Ate @aideleijoie you like my diary 🥰❤️❤️❤️
Hello Ate @jewel89 😊😊
Status
#steemexclusive: ✅
verified member: ✅
using bot: ❌
plagiarism:. 100% original
RAte: 9.8
Hindi madali ang magiging teacher lalo na ngayon sa panahon ng Pandemya. 😊
Salamat po sa magandang rate Moderator @jb123
..totoo yan Kuya, kaya kuddos sa lahat ng mga guro ☺️
Dito Je suspended muna modules until jan 39 dahil sa covid n naman.
Kaya nga ate met. Sana mawala na ang corona virus.
Parang nationwide ata Ate met ang Health Break sa mga school.
Nice Naman Pala Ang school Dyan sa Morong, Bataan.
Yes po mi etong napasukan nila alexie, maganda. & Dagat na ung likod ng school ☺️