"Bigo" #PhilippinePoetryTangkilikinAngSarilingAtin :)

in #philippines7 years ago

Ang pag ibig ay sadyang mahiwaga,
Ika'y napapangiti't napapatulala,
Kaligayahan ang palagi mong nadarama,
At kitang kita naman sa iyong mga mata,

Ngunit minsan ang pag-ibig ay marahas,
Nasasaktan ka't puso mo'y nabubutas,
Pagka't sa sobrang pagmamahal mo sa isang tao,
Nakakalimutan mo na pati sarili mo,

Hindi kasalanan ang masaktan,
Tanggapin mo nalang nang dahan-dahan,
Na dumaan lamang siya sa iyong buhay,
Pagkat hindi ka niya inibig ng tunay,

Kung mamarapati'y dapat kang magpasalamat,
Habang maaga pa'y ikaw ay namulat,
Isipin mong buhay ay sadyang mapaglaro,
Balang araw, pag ibig na tunay ang iyong matatamo,

Kaya wag kang mawawalan ng pag asa,
Wag mong ipapako ang sarili mo sa kanya,
Tumayo ka sa sarili mong mga paa,
Nang magsisi siya kung ba't iniwan ka pa niya.

source

Salamat sa pagbabasa mga kaibigan :)

Sort:  

galing 👏👏

@reported has voted on behalf of @minnowpond. If you would like to recieve upvotes from minnowponds team on all your posts, simply FOLLOW @minnowpond.

        To receive an upvote send 0.25 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
        To receive an reSteem send 0.75 SBD to @minnowpond with your posts url as the memo
        To receive an upvote and a reSteem send 1.00SBD to @minnowpond with your posts url as the memo

upvoted bro

How about aligning your content to the center. Poem looks great when its center-aligned.

Sabi ni Kahlil Gibran sa The Prophet, when you love; you laugh with all of your laughter, and you cry with all of your tears. Maganda ang tula. Konting formatting lang gaya ng sabi ni @bayanihan.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 61362.63
ETH 2454.23
USDT 1.00
SBD 2.56