Steemit Philippines Open Mic Week #3 Contest | At ang Hirap by Angeline Quinto - 20% to steemitphcurator
Magandang Gabi po sa inyong lahat mga kababayan ko dito sa #steemitphilippines at kay nanay @olivia08 na nagsimula sa contest na ito. Salamat din po sa pag imbita.
Buti at nakahabol pa po ako. Pangalawang sali ko na po ito sa patimpalak at ang napili kong kanta ay nag tititulong "At ang Hirap" by Angeline Quinto , isang Filipino singer at ang kanta ay ini release nuong 2017.
Ang kantang ito ay nakapasakit at kung talagang iintindihin mo ang liriko nito, makakaiyak ka talaga. Ito ay nagsasaad ng isang pagpapanggap upang di malaman ng ibang tao na ang relasyon nilang dalawa ay wala na. May takot na nadarama ang taong nakakaranas nitong kanta dahil ayaw nyang sisihin sya ng mga tao lalong lalo na sa mga kaibigan nya na baka sisihin sya sa nangyari sa kanilang dalawa.
Pinilit nyang hindi mahalata ng mga tao kung kaya't ginawa nyang normal ang lahat , ngumingiti kahit sa loob nasasaktan at umiiyak. Naging mapagpanggap sya sa kanyang sarili upang hindi lang malaman ng mga tao na sila ay wala na.
Sa nangyari sa nakaranas nito, masasabi ko talaga na hindi madali ang nangyari sa kanya. Kaya nating magpanggap na masaya tayo kahit hindi pero hindi hanggang sa huli. Ang tao ay napapagod lalo na ang ating puso. Ang mga tigyawat sa mukha ay natatabunan ng kolorete upang hindi mahalata ngunit ang ating emosyon at ang mga paghihirap at sakit na nararamdaman ay hindi kailanman natatabunan ng ngiti. Nakikita man ito ng ibang tao ngunit hindi natin maitatanggi na tayo ay nabibigatan na sa nangyari at darating ang araw na malalaos rin ang pagpapanggap.
Kung kaya't hindi natin dapat magpanggap kasi mas matatanggap pa ng mga tao kung tayo ay magiging totoo sa ating sarili kaysa naman magpapanggap tayo ngunit sa huli malalaman naman rin nila. Kung ayaw na ng tao sa atin then let them go kaysa naman magising ka nalang sa katotohanan na may mahal na pala siyang iba.
Yun lamang po at magandang gabi sa inyong lahat.
"At Ang Hirap"
Naglalagay ng kolorete
Sa aking mukha
Para di nila malaman
Ang tunay na naganap
Na ikaw at ako
Ay hindi na
Ineensayo pa ang mga ngiti
Para di halata
Damdamin ko'y pinipigil
Sa loob umiiyak
Dahil ikaw at ako
Ay hindi na
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako?
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?
Paano ko sasabihin
Sa mga kaibigan ko?
Kung ako rin ang sisisihin
Nabulagan ako
Na ikaw at ako ay wala na
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako?
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?
Saan ba ako nagkamali?
'Di ko maintindihan
Kung sino pa'ng nagmamahal
Siya pang naiiwan
Siya pang naiiwan
At ang hirap
Magpapanggap pa ba ako?
Na ako ay masaya
Kahit ang totoo ay
Talagang wala ka na
At kung bukas
Pagmulat ng aking mata
May mahal ka ng iba
Wala na akong magagawa
'Di ba?
Source: https://www.azlyrics.com/lyrics/angelinequinto/atanghirap.html
Nice voice and nice song.. God Bless!!!
Thankyou po😊 Godblessyoutoo po😊
Hello, darling, sorry at hindi ko ito nasali sa listahan. Ngoadala ako h consolation prize sa iyo at sa linggo na ito, isama ko.ito sa listahan. I will give you chance ma nka submit ka ng isa pang kanta at dalawa ang maging entry mo for this week. Sorry tlaga sister.
Hello po nanay olivia , oky lang po hehe at maraming salamat po sa pag bigay mo ng chance sa akin😊😊
Kanta ka isa pa for this week at ang nkaraan au carried ko yan
Nanay pasensya napo sobrang na busy lang po hehe habol po ako mamaya😊😊
Lunes pa matapos.