SteemitPhilippines Open Mic Week 6, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Cover By @jurich60
Hallo mga Palangga dito sa Community,
Kumusta kayo lahat, masaya na ba tayo na unti unti na ng bumabalik sa normal ating situasyon? Wag tayong kumpyansa agad agad mag facemask pa din tayo, mas maigi na yong iwas sa kapahamakan.
Heto na naman akong muling sumuporta sa paligsahan ni @olivia08 kahit ang boses ko ay sintonado. Saling pusa na lang si lolay.
Itong kanta ni Rey Valera ang original ng kantang ito ang aking napili dahil swak sa akin ang kantang ito. Ito ay dedicated sa hubby ko. Pero dapat siya ang kumanta nito. Dahil panama sa kanya ito. Dahil laging siya natatanong sa akin kung kaya ko pa ba siyang hagkan at yakapin kahit maputi na ang buhok namin, hahaha. Sabi ko hindi na,ayaw ko na dahil matatanda na kami eh. Joke, joke, joke pero totoo. Di na bagay para sa amin. Yan ang pananaw ko.
Ahh, 47 yrs na kasi kami nagsama kaya parang kakasawa na. Ngunit di ako nagsasawang pagsilbihan o asikasuhin siya. Malamang nakuha ko lang ang ugaling ito sa isa kong tiyahin na noong tumanda sila ng asawa niya ayaw na ring niyang siya ay hagkan at yakapin. Panay reklamo ng tiyohin ko ahahaha. Outside the kulambo na daw siya. Aywan ko kung anong tawag nito sa psychology itong pag uugali na ito.
Ito yong kanta ko. Patawad ang labo na ng picture o pagvideo ng phone ko simula nag picture picture ako ng mainit na ulam. Mag 3 yrs na din itong phone ko need na talagang palitan.
https://static.starmakerstudios.com/production/uploading/recordings/7318349422682520/master.mp4
Itong ang Lyrics...
"Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko"
Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa 'yo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko
Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, mmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
Ang nakalipas ay ibabalik natin, hmmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko
From azlyrics.com
Salamat sa pag basa,
Ang galing mo namang kumanta ate. Ang kantang ito ay nagpapakita mg tapat na pagmamahal sa bawat isa, kahit hanggang sa pagputi ng mga buhok nila. 😊 👏
ganahan kaayo ko ani na kanta Ate!
#club5050 😊
Thank you very much!
Maraming salamat sa pagsali ulit . Gusto ko ang kantang yan alay ko sa nanay tatay ko kahit maputi na a g buhok hanggang kamatayan ay nagmamahalan kahit maraming hadlang sa buhay nila noon.
Ay ganon ba
Totoo po doubly ingat pa rin. Pero masayang masaya talaga ako dahil nasasama ko na mag simba baby ko at sa ibang puntahan ko pero may pangamba pa rin kasi hindi pa pwedi mag suot ng facemask baby ko eh huhuhu.
Ganyan din sila nanay at tatay parents in law ko hiwalay na ng higaan hihihi kasi naman itong brother in law ko na special child ayaw nya patabihin si tatay kay nanay nagagalit pag tumabi si tatay kay nanay hihihi.
Ahahaha may pagitan na pala.
Hello Mi, nakaka enjoy magwatch nimo magsing Ymoms. Talagang multi talented ikaw Ymoms. Please sing more songs for us!