The Diary Game Season 3 (01-30-2022) || Ang aming Sunday Service at ang aming Pinakaunang Face to Face Youth Fellowship

in Steemit Philippines4 years ago

Mabuhay at Maligayang Araw sa ating lahat!!!!

Isang napakagandang linggo na naman ang natapos sa ating mga buhay at salamat sa Dios dahil sa walang sawang pag-aalaga at pagbibigay ng lakas sa araw-araw kaya para sa araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nagdaang Church Service namin nitong linggo at ang kauna-unahang Face to face fellowship namin sa Church.

20220131_215002.jpg

Araw nga ng linggong ngayong araw na ito at isa din ito sa pinaka espesyal na araw na kung saan araw na naman ito upang kami ay makapag samba sa Dios at excited din ako dahil sa araw din na ito magaganap ang aming kauna-unahan
Face to face youth fellowship.

IMG_20220130_110115_136.jpg

Ang pagsamba namin ngayong araw na ito ay nagsimula ng mga nasa oras na 9:00 ng umaga at mga 8:00 pa nga ng umaga ay nandoon na ako dahil magsasaga pa ako ng aming Sunday's School. Mga 9:10 ay dumating na din ang aming Pastor at mas naging espesyal ang araw na ito dahil meron kaming bisita na galing pa sa probensya ng Bukidnon at talaga namang nakaka ganda ng mga salita ng Dios na kanyang ibinahagi sa aming lahat dahil ito ay nagpapa-alala sa aming lahat na kung totoong sumasamba tayo sa Dios, dapat ay ialay natin ang ating buhay sa kanya at makinig tayo sa kanya sa pamamagitan ng mga salita ng Dios.

Mga nasa oras na 12:00 ng tanghali na din kami natapos sa aming Sunday Service at pagkatapos ay oras na din ng aming pananghalian. Talagang napakaganda ng aming araw na ito at nagpapasalamat kaming lahat sa Dios dito.

IMG_20220130_140122_687~2.jpg

Kinahaponan naman mga nasa oras na 2:00 ng hapon ay isinagawa na din namin ang aming Pinakaunang Face to Face Youth Fellowship na bagamat hindi talaga kami marami ay talagang napaka saya ng fellowship namin.

IMG_20220130_140800_822.jpg

Para naman sa aming youth fellowship ang naka assign na magbahagi ng mga salita ng Dios ay ang kasama kong Youth Pastor na si Pastora Jetma at napakaganda din ng kanyang ibinahagi sa fellowship namin ngayon dahil nagpapa-alala sa mga kasamahan naming mga youth na dapat maging seryoso sa kanilang paniniwala at pag serve sa Panginoong Hesus at hindi na panahon ngayon na parang bata dahil oras na upang lumago ang lahat hindi physically pero spiritually.

Naging maayos nga ang lahat ng mga gawain namin sa araw na ito mula noong Sunday Service namin hanggang ngayong hapon na ito sa aming face to face youth fellowship. Pagkatapos nga ng lahat ng aming mga gawain ay oras na din upang kaming lahat ay maka uwi dahil meron pa din kaming dapat gawin. Maraming maraming salamat talaga sa Dios.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

loloy2020.gif
Gif Footer Credits to @baa.steemit


received_106774058057322.webp

Footer credits to @kennyroy

Sort:  
 4 years ago 

Hi!

This post has been chosen to be recommended for booming support today. Continue creating high-quality content here at Steemit Philippines Community.
Remember to always follow the #Club5050 rules for more chances of curators' upvotes.

RequirementsRemarks
#steemexclusive✔️
#club5050✔️
Verified Member✔️
Word Count451
Using bot
PlagiarismPassed

Congratulations!

Luzon Moderator
kneelyrac

Coin Marketplace

STEEM 0.06
TRX 0.29
JST 0.047
BTC 73596.33
ETH 2159.67
USDT 1.00
SBD 0.51