The Diary Game Season 3 (03-01-2022) || Ang Pagdiriwang namin ng Ika-60 Taong Gulang ng aking Pinakamamahal na Tiyahin
Isang Mapagpala at Maligayang Buhay sa ating lahat!!!
Ang pinakamagandang regalo ng Dios sa atin ay ang buhay na kanyang ibinigay sa atin ng libre kung kaya't nararapat lamang na pasalamatan at magbigay tayo ng papuri sa Kanya sa araw-araw. Sa bawat taon na nadadagdag sa ating buhay ay isa itong biyaya na ibinigay sa atin dahil kahit na nasa mga pangyayari tayo sa mundo ngayon na puno ng pasakit at paghihirap, nandyan pa rin Siya na walang sawang nagbibigay sa atin ng lahat ng ating pangangailangan, salamat sa Dios!
Nitong nagdaang araw nga ay nagdiwang ng ika-60 taong kaarawan sa mundong ito ang aking pinakamamahal na tiyahin at nagpapasalamat kami sa Dios dahil sa mga suprisa na mga nangyari sa araw na ito.
![photocollage_20223322162028.jpg](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmP6Aj5NzcgJHT8ucskEtYNckKwSB284ErFh6pTYSwtZXh/photocollage_20223322162028.jpg)
Ang aking tiyahin nga nagdiwang ng kanyang ika-60 taong kaarawan ay isa na din sa tinutoring kong ina dahil sa tuwing merong mga pangyayari sa akin at sa aking pamilya ay sila na ang una naming nilalapitan dahil alam namin na hinding hindi sila tatanggi ng kayang asawa na tumolong sa amin sa lahat ng panahon, kaya para sa kanyang kaarawan meron din akong munting surpresa.
![](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmNjtwwsDWJysHBSoXmbpSNSvR1irMphhfBMxYNAaCRZYf/IMG_20220301_055155_169.jpg)
Madaling araw nga nang kanyang kaarawan ay nagsagawa kami ng birthday serenade o tinatawag na Manyanita na kung saan madaling araw ay nagaalay kami ng mga kanta para sa Dios at sa aking tiyahin, isa din itong pasasalamat na sa pagsapit ng kanyang kaarawan ay sinimulan namin ito ng mga pagpasalamat at papuri para sa Dios.
Mga nasa oras na 3:30 ng umaga nga ako gumising dahil kinuha ko pa ang iba ko ang iba pa naming mga kasama na sina @emzcas at @quilvz. Mga nasa oras na 4:00 ng umaga ay dumating na din ang iba pa naming mga kasama at nag practice muna kami kaunti ng mga kanta na aming kakantahin.
![](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmbmYFqSxgTMa6zd8hD5zCB9F5hi6HauRVkCtjRCce6FXf/IMG_20220301_081053_174.jpg)
Sa aming manyanita nga ay nagbahagi din kami ng aming mga wishes and declaration para sa aking tiyahin at ang huling nagbahagi ay ang kanyang pinakamamahal na asawa. Higit sa lahat ang pagbahagi ng mga salita ng Dios na ibinahagi ng isa pa naming kasamang Pastora. Nagpapasalamat lang din kami sa Dios dahil naging maayos ang aming manyanita kahit na medyo inaantok ako sa mga oras na iyon dahil sobrang aga akong gumising pero ang Dios pa rin ang nagbigay lakas sa aming lahat.
![](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmc8fgfNXusCQrzUqs4T8pePoe3iUF3k5ejACYEj6KSGsB/IMG_20220301_074004_217.jpg)
Mga nasa oras na 6:00 umaga nga ay natapos din ang aming manyanita at oras na ng aming munting salo-salo na inihanda ng aking tiyahin. Pagdating din ng mga nasa oras na 7:00 umaga ay pinuntahan na namin ng isa sa aming young people sa Church ang isa sa surpresa ko na isang Cake. Bilang pasasalamt ko na lang din sa kanya ay binilhan ko ang aking tiyahin ng isang simpling cake at nakikita ko naman sa mukha ng aking tiyahin na masaya siya sa aking munting regalo at pinagsalohan na namin itong lahat.
![IMG_20220301_123028_152.jpg](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmY6ZAw2sRaAtupq6unuvcMrBAkGwmAKWwUi6HJvGaQuJL/IMG_20220301_123028_152.jpg)
Pagdating ng tanghali ay isa na namang surpresa ang nangyari para sa aking tiyahin dahil ang ilan sa kanyang mga kapatid at mga pamangkin ay nagsagawa ng birthday celebration sa dagat at itong lahat ay sa tulong ng kanyang pinakamamahal na babaeng anak na nagtatrabaho ngayon sa Australia. Talaga namang na surprise siya dahil wala talaga siyang alam sa mga mangyayari dahil sinabihan lamang siya na magpunta sa dagat para sa kanyang kaarawan at wala siyang idea na ito pala ang mangyayari.
Doon ay nakapagbahagi siya ng mga pasasalamat sa mga surprise na nangyari sa kanya sa araw na ito mula pa noong umaga hanggang sa tanghalian, nagpapasalamat din siya sa kanyang mga anak na sumuporta sa kanyang kaarawan at higit sa lahat taus puso ang kanyang pasasalamat sa Dios dahil sa pagbibigay pa rin sa kanya ng lakas sa araw-araw.
![IMG_20220301_123040_457.jpg](https://steemitimages.com/640x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmVhV2x3VQ4NLAnCASop9dEZUiYeitxQriiyQu95tETrvJ/IMG_20220301_123040_457.jpg)
Pagkatapos ng munting programa ay oras na din ng aming pananghalian at busog na busog na naman kami dahil sa marami na namang mga pagkain ang nasa aming harapan. Mga nasa oras na 3:00 ng hapon ay natapos na din ang aming selebrasyon at umuwi na rin kami ng masaya dahil sa lahat ng mga nagyari, maraming maraming salamat sa Dios!
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
![loloy2020.gif](https://steemitimages.com/0x0/https://cdn.steemitimages.com/DQmeCQ8xUT3R7mtRN64LGHf7Dw4v6y8ZJasZZ9VaBRVMiTn/loloy2020.gif)
happy bday po
Congratulations!
This post has been upvoted through steemcurator08.
Curated By - @saracampero
Curation Team - Life and Humanity