The Diary Game Season 3 [04-03-2022] || Unang Linngo sa Buwan ng Abril - Purihin natin ang Panginoong Dios! || Malapit na akong maging Dolphin 🐬

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Mapagpala at Maligayang Araw sa ating lahat!!!

Salamat sa Dios dahil napagtagumpayan natin ang buong buwan ng Marso na puno ng magagandang karanasan na dapat nating ipagpasalamat sa Dios lalong lalo na ang walang sawang pagmamahal at pagbibigay buhay sa atin. Ngayon ay sisimulan na naman natin ang bagong buwan ng Abril, na kung saan nasa ikalawang quarter na tayo ng taon.

Para sa post kong ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyari sa unang linggo ng Abril na kung saan, sinimulan namin ito ng buong pusong papuri at pagsamba sa Dios. Ibahagi ko din sa inyong lahat na malapit na akong maging isang Dolphin 🐬, salamat sa Dios.

20220405_205945.jpg

Mas maganda talaga na sa bawat linggo ay hindi natin kakalimotan na makapagpasalamat sa Dios sa lahat ng kanyang ibinigay sa atin sa araw araw, kung kaya kailangan lamang na magbigay tayo kahit isang araw sa buong linggo na tayo ay makapagbigay papuri at pagsamba sa kanya.

Ngayong nga na ito ay unang linggo ng buwan ng Abril, kailangan nating simulan ang bagong buwan na ito ng buong pasasalamat at papuri sa Dios.

Mga nasa oras na 5:00 ng umaga ay nagising na ako para makapag luto ng agahan at makahanda na rin. Mga nasa oras na 6:00 natapos na rin ako sa pagluluto kaya naligo na rin ako para makapagbihis na, pagkatapos na makapagbihis ay kumain na rin ako, mga masa 7:30 ng umaga na rin ako natapos lahat-lahat at naghanda na para maka alis papunta sa aming Church, kasama ang isa sa aming youth at pinuntahan din namin si Ptra. @emzcas para makasabay namin, nakarating din kami sa Church mga nasa higit sa 8:00 ng umaga at kami palang tatlong ang nandoon.

Ilang minuto lang din noong malapit ng mag 9:00 ng umaga ay nag umpisa na din kami sa aming Church Service dahil unti-unti na din namang nagsidatingan ang iba pa naming mga kapatid sa Dios. Sa aming program nga ay merong iilan na nagbahagi ng kanilang testimony sa Dios, sa lahat ng mga magagandang nangyari sa aming mga buhay at nararapat lamang na ating ipagpasalamat sa Dios.

Sa mga testimony nga ay marami kaming narinig na magagandang karanasan ng bawat isa sa mga nagbahagi na makakapagbigay inspirasyon din sa atin at pagasa na talagang napakabuti at hinding hindi tayo pababayaan ng Dios. Ang tanging magagawa lamang natin ay tanging pagbigay papuri at pagsamba sa Dios.

Ilang saglit lang din pagkatapos ng testimony ay sinundan din iti agad ng Praise and Worship na ang nag lead ay ang isa sa aming Youth Pastor na si Ptra. @emzcas. Napakahalaga ng pagbibigay papuri at pagsamba sa Dios dahil ito lamang ang ating magagawa sa Dios sa lahat ng kanyang ginawa at ibinigay sa atin.

IMG_20220403_104501_949.jpg

Pagsapit ng mga nasa oras na 10:50 ng umaga, pagkatapos din ng Praise and Worship ay sinundan din ito kaagad ng aming Host Pastor, sa pagbahagi ng mga salita ng Dios. Masasabi kong lahat ng bahagi ng aming Church Service ay napakahalaga dahil sa mata ng Dios ay pantay-pantay lang, pero masasabi ko din na ito ang pinakahihintay ng lahat dahil sa pamamagitan ng mga salita ng Dios ay nakakapag usap tayo sa Dios at malalaman natin ang kanyang mensahi para sa ating lahat. Talaga naman ding napakaganda ng mga salita ng Dios na aming narinig ngayon dahil sa nagbibigay ito ng pagasa at kaliwanagan sa ating mga buhay.

Natapos ang aming Pastor sa pagbahagi ng mga salita ng Dios ng mga nasa oras na 11:50 na iyon ng umaga at sinundan din ito ng Communiion or pagpapaalala ng giwang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus-Kristo doon sa Krus, at ginagawa lamang namin ito isang beses sa isang buwan at tuwing unang linggo ng buwan.

Natapos ang aming Church Service ng masaya at punong puno ng pagasang galing sa Dios.


Masaya ko ding ibahagi sa inyong lahat na malapit na aking maging isang Dolphin 🐬 Steemian dahil kulang na lang ako ng 17 Steem na ipa.powerup para maging 5000 Steem Power ang aking account. Talagang nagpapasalamat ako sa Dios sa walang sawang pagbibigay lakas araw-araw at sa Steemit Team sa lahat ng suporta, at sa lahat ng mga Steemian na sumuporta sa akin, hinding hindi ko ito makakaya at makkokoha kung wala ang suporta ninyonh lahat.

Screenshot_20220405-225936.jpg

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

Sort:  
 3 years ago 

A Blessed day and Congratulations in advance.. 😇

Congratulations ..,

This post has been supported by @heriadi from the Industrious seven team.

Keep writing posts with the theme "My Life". Let's join at least #club5050 to get the next support

 3 years ago 

Thank you 😇

 3 years ago 

congratulations in advance pas sa pagiging dolphin!

 3 years ago 

Salamat ate..

 3 years ago 

welcome pas!

 3 years ago 

Congratulations in advance bro.

 3 years ago 

Salamat bro..at last jud ..

 3 years ago 

Well done for the dolphin stage @loloy2020.