The Diary Game Season 3|| Ang Birthday Celebration ni Jicel sa Isang Waterfalls 🎂🎉🎉😇

in Steemit Philippines3 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Nitong buwan nga ng abril ay hindi pa rin nag tatapos ang mga pagdiriwang ng mga kaarawan at ngayon ay kaarawan ng isa sa aming Church Youth na si Jicel ang aming ipagdiriwang at ito nga ay ang kanyang ika 16 na taong kaarawan. Ibabahagi ko nga ngayon ang ilan sa mga pangyayaring dahil ginawa ito sa isang Waterfalls para na rin malamigan kami mula sa init nang panahon ngayong panahon ng summer.

png_20230414_210248_0000.png

Ngayong araw nga ng kaarawan ni Jicel ay walang pasok kung kaya napag desisyonan na maligo kami doon sa Waterfalls na matatagpuan sa Dalipuga Iligan City, para naman mas maganda ang selebrasyon namin kahit simple lang ito dahil nga sa ang kanyang mga pamilya ay nasa malayong lugar tanging mga Lolo at Lola niya lang ang kasama niya na meron din importanting lakad kaya nag diwang kami ngayon sa bahay ng aking Pinsan na tiyohin din ni Jicel dahil malapit lang din ang falls sa kanilang bahay.

IMG_20230410_121903_303.jpg

IMG_20230410_121806_4.jpg

IMG_20230410_121942_781.jpg

Mga nasa oras na nga iyon na 9:00 ng umaga nakarating ako sa bahay ng aking Pinsan dahil mula sa aking bahay ay mga 30 minutes ang babyahiin gamit ang aking motor. Pagdating namin ng kasama kong Pastor din ay naghahanda na sila ng mga pagkain pero mga nasa oras na iyon na 11:30 natapos lahat kaya napag desisyonan na pagkatapos na lang ng aming pananghalian kami pupunta sa falls para maligo.

Bago nga kamo mananghalian ay nagsagawa muna kami kaonting fellowship na kung saan nag alay kami ng mga awitin para sa Dios at mga dasal para sa aming birthday celebrant. Bagamat kaunti nga lang kami dito, makikita naman sa mukha ni Jicel na masaya siya kahit na simple lang ang kanyang selebrasyon.

IMG_20230410_135117_879.jpg

IMG_20230410_141008_680~2.jpg

IMG_20230410_152531_048~2.jpg

IMG_20230410_152600_459~2.jpg

Natapos din kami sa aming pananghalian mga nasa 12:50 na iyon ng hapon at paglipas ng ilang sandali pagkatapos na makapahinga ay nag punta na rin kami sa Waterfalls dahil mga 20 minuto din ang aming lalakarin makarating doon. Naging masaya naman ang aming paglalakad dahil puro tawanan at biruan lang ang aming ginagawa at salamat sa Dios dahil nakarating na din kami sa Waterfalls ng ligtas. Sa pagdating nga namin ay hindi namin inaasahan na naliligo din pala dito ang ilang mga kabataan na kakilala namin mula sa Barangay na ito kaya mas naging masaya ang lahat.

Sa pagdating nga din namin ay agad kaming naligo dahil sa init ng panahon. Unang naligo ang si Baby Reign at si Jicel at sumunod na din kami. Talagang ang saya saya naming lahat dito dahil ang lamig lamig ng tubig at talagang nakaka relax siya mula sa pagod na aming naranasan. Mga ilang oras din kaming naligo dito at mga nasa oras na 4:30 ng hapon kailangan na naming maka uwi dahil mag lalakad pa kami pa uwi at salamat sa Dios dahil naka uwi kami ng ligtas at sobrang saya.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 3 years ago 

Happy birthday po

TEAM 1

Congratulations! This post has been upvoted through steemcurator04. We support quality posts , good comments anywhere and any tags.
Curated by : @irawandedy

Screenshot_20221130-164846_Canva.jpg

 3 years ago 

happy birthday po kay Jicel. Wishing all the best for her. Grabe, ang ganda ng falls! I wish makapunta din ako dun

Coin Marketplace

STEEM 0.06
TRX 0.28
JST 0.048
BTC 66226.28
ETH 1949.69
USDT 1.00
SBD 0.49