The Diary Game Season 3 || Ang Kauna-unahang Cell Group Fellowship namin sa Pagawan, Manticao Misamis Oriental 👉#burnsteem25

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Sa bawat araw at mga pangyayari sa aking buhay, ang tanging masasabi at magagawa ko lang ay ang pagbibigay pasasalamat at papuri sa Dios dahil hindi talaga Siya nag kulang sa akin, mula sa pagbibigay sa aking ng lahat ng aking pangangailangan at pagbibigay lakas sa bawat gawain na ipinagkatiwala Niya sa akin, talagang napakabuti ng Dios.

Sa araw nga na ito ay ibabahagi ko sa Inyong lahat ang pinakaunang Cell Group Fellowship namin dito sa aming lugar.

20220924_113306_0000.jpg

Dahil nga sa medyo iba't ibang lugar ang mga membro ng aming Churh, napag desisyonan nh aming Senior Pastor na magsagawa ng Cell Group depende sa lugar. Na devide nga ito sa tatlong group at ang aming group ay ang ikalawang group dito sa aming area na merong dalawang Barangay, Pagawan at Paniangan.

photocollage_202292412405666.jpg

Mga nasa oras na 10:00 ng umaga nga ay nagpunta na kami doon sa bahay ng isa sa aming mga membro na kung saan doon kami magsagawa ng aming kauna-unahang Cell Group Fellowship. Papunta doon ay sumakay kami ng aming mga sasakyan pero sa bahay mismo ay ay hindi mapuntahan ng sasakyan kung kaya naglakad na lang pero hindi naman siya gaanong malayo.

Hindi naman naging mahirap at hindi kami napagud dahil masaya naman kaming naglalakad papunta doon, at mga nasa oras na 11:00 ay nakarating na din kami doon at nakita namin ang simple pero magandang bahay ng aming kapatid.

photocollage_2022924124835648.jpg

Pagdating namin ay nagpahinga muna kami kunti at ilang saglit lang din ay nagsimula na kami sa aming munting programa na pinangunahan ng aking tiyahin bilang emcee. Sinimulan ito ng opening prayer at mga pag awit sa Dios bilang panimula.

Pagkatapos ng opening song ay sinundan din ito agad-agad ng pagbahagi ng mga testimony o pagpapatutuo sa kabutihan ng Dios. Bawat isa nga sa amin ay nagbahagi ng mga testimony bilang pasasalamat sa Dios sa lahat ng mga mabuting ginawa Niya sa aming lahat sa kabila ng maraming mga problemang dumating sa aming buhay pero nandyan pa rin ang Dios patuloy na nagmamahal sa aming lahat.

photocollage_2022924132616589.jpg

Pagkatapos na makapagbahagi na ng mga kanyakanyang mga testimony ang lahat ay sinundan din ito agad-agad ng aming mga pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios sa pamamagitan ng aming mga pagkanta at pagsayaw, at salamat sa Dios dahil ako ang siyang nagdala sa aming Praise and Worship at lahat nga ay pars lang sa Dios, walang sa amin kundi sa Dios lang.

photocollage_2022924132813273.jpg

Pagkatapos naman ng aming pagbibigay papuri't pagsamba sa Dios ay ilang saglit nga ay oras na din na mapakinggan namin ang mga Salita ng Dios at para sa Fellowship namin ngayon ay ang isa sa aming membro na si Ante Gagang. Dito nga nagbahagi siya ng mga Salita ng Dios na nagbigay sa amin ng karagdagang kaalaman sa Salita ng Dios na siya namang isa sa pinaka importante sa gawain naming ito. Nagbahagi din ng karagdagang kaalaman ang aming Senior Pastor sa naibahaging Salita ng Dios at nagpapasalamat kaming lahat dito.

Ngayon naman sinundan ng mga dasal sa bawat isa ang aming Senior Pastor na c Ptr @dodzz lalong lalo sa mga membro namin na merong mga nararamdaman sa katawan dahil alam naming sa pamamagitan ng mga dasal at paniniwala namin sa Dios ay gagaling ang kahit na anong nararamdaman namin.

photocollage_2022924133658143.jpg

Ang isang fellowship ay hindi magiging kompleto kung walang handaan kung kaya pagkatapos ng aming Cell Group Fellowship mga nasa oras na 12:50 na iyon ng hapon ay oras na din ng aming pananghalian at ang hinanda nga para sa amin ng aming membro ay Ginataang Native na Manok kung kaya napakasarap ng aming pananghalian at busog na busog kaming lahat.

Mga ilang oras din kami nandoon nag usap-usap habang ako naman ay natulog muna hanggang sa mga 2:00 ng hapon ay oras na para maka uwi na kami dahil medyi na rin uulan at umuwi nga kaming lahat ng masaya dahil sa matagumpay namin na gawain sa araw na ito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  

Your article has been supported with a 40% upvote by @ripon0630 from Team 2 of the community curator program. We encourage you to keep producing quality content on Steem to enjoy more support from us and a likely spot in our weekly top 7.

20220902_095909_0000.png

 2 years ago 

Praise the Lord!

 2 years ago 

Umaabot ng ibang lugar ang word of God, God bless you more

 2 years ago 

Congratulations sa success ng inyong pagbahagi ng mga salita ng Diyos.