The Diary Game Season 3|| Ang Sinalihan naming Seminar para sa Samaritan Purse at para ito sa mga Bata☝️🙌😇
Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!
Isang malaking tulong para sa akin na makasali o makatanggap ng mga bagong impormasyon galing sa Dios para magawa ng mabuti ang mga gawain ng Dios kaya labis ang aking pasasalamat sa Dios dahil naka sali ako sa isang seminar para sa pagtuturo sa mga bata lalong lalo na at isa ito sa mga gawain namin para sa Dios. Ibabahagi ko nga sa inyong lahat ang nangyaring Seminar para din ma orient paano ang gagawin sa actual na galing sa isang Non Government Organization na Samaritan Purse na may layonin na matulongan ang mga bata.
Mga nakaraang araw meron natanggap na mensahe ang aming Youth President na meron nga gaganaping seminar para sa mga sumali sa Samaritan Purse at dahil nga sa hindi siya makakadalo dahil meron siyang trabaho, kahit na hindi ako ang naka sali noong unang seminar, ipinadala na lang ako ng aming Senior Pastor kasama ang isa pang youth na nakasama ng aming Youth President kaya kaming dalawa ang naka sali.
Mga nasa oras nga na 7:30 ng umaga kami umalis ng kasama kong youth gamit ang aking motor papunta sa Iligan City mga isang oras ang byahe namin at hindi pa namin alam kung saan talaga ang venue mabuti na lang at sa pag punta namin mga 9:00 na ay nahanap na din namin sa pagtatanong namin. Sa pagdating nga namin ay nag simula na mabuti na lang at merong nag assist sa amin na kilala ng aming Senior Pastor. Dito nga ay binigyan kami ng aming mga materials na gagamitin at nag umpisa na kaming makinig.
Sa patuloy nga namin sa pakikinig ay marami na kaming natutunan. Meron din kaming ginawang pag role play na parabang kami ang mga teachers o facilitators na gagawin sa isang event at ang iba naman naming mga kasam ay ang mga bata. Dito mas nakuha namin kung ano talaga ang aming gagawin kung sa actual na mga kaganapan. Medyo nasiyahan din ako dahil interactive ang aming seminar dahil tinawag talaga kami para makapag participate.
Saktong natapus ang aming Morning session mga nasa oras na 11:50 ng umaga at dahil sa mga ginawa naming interaction ay medyo nagugutom na talaga kami kaya nag break muna kami at babalik na lang din kami mga 1:00 ng hapon para makapag simula na agad. Sa pananghalian nga namin ay naghanap na lang kami ng karenderya na malapit lang para madali lang kami makabalik. Dito nga ay meron kaming baong kanin kaya bumili nalang kami ng ulam, at busog na busog kaming dalawa.
Saktong 1:00 ng hapon nga ay nagsimula na ang aming afternoon session mabuti na lang at mga 12:40 pa lang ay nasa loob na kami ng venue. Sa hapon nga ay nagpatuloy ang discussion ng aming mga instructors at tinuro pa sa amin ang ilan pang mga bagay na dapat naming gawin. Itinuro nga sa amin ang mga dapat naming gawing report matapos ang mga events para meron pa kaming makuha sa susunod na pagkakataon. Natapos ang aming seminar mga 3:00 na iyong ng hapon at salamat sa Dios dahil talagang marami kaming natutunan na pwede naming magamit para sa mga bata. Ilang minuto lang din ay umuwi na din kami gamit ang aking motor at salamat sa Dios dahil naka uwi kaming dalawa ng aming Youth sa aming mga bahay ng masaya at puno ng pasasalamat sa Dios.
Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝
Mabuhay ang Steemit Philippines Community
@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter
Ang galing nyo po! Ang ganda ng experience nyo sa naganap na seminar para sa pagtuturo sa mga bata. Talaga namang nakakatuwa na marami po kayong natutunan at naging interactive pa ang seminar.