The Diary Game Season 3||Campus Ministry namin at Family Dinner kasama ang Pamilya ng aking Minamahal 🥰😇🙌

in Steemit Philippineslast year

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Ang bawat araw na nagdaan sa aking buhay ay masasabi kong talagang napakabuti ng Dios sa akin dahil hindi Niya ako pinabayaan at sa bawat araw nga ay lagi Niya binibigyan ng lakas at magandang pangangatawan lalong lalo na sa bawat gawain na kanyang ipinagkatiwala sa akin at sa aming lahat.

Ngayong araw na ito, ibabahagi ko sa inyong lahat ang nangyaring Campus Ministry at ang simpling dinner na nangyari kasama ang pamilya ng aking kasintahan.

jpg_20221211_234230_0000.jpg

Sa araw nga na ito ay meron kaming mga schedule para sa Campus Ministry mula umaga hanggang hapon subalit dahil sa malakas ang ulan mula pa noong gabi hanggang nag umaga ay medyo lumakas ang baha at ang paaralan ay malalim ang tubig kung kaya napag desisyonan ng principal na cancel muna ang klase kung kaya hindi kami na tuloy sa pang umaga naming Campus Ministry, pero bagamat ganito ang nangyari nagpapasalamat pa rin kami sa Dios.

photocollage_202212120741329.jpg

Pagsapit ng hapon naman ay meron pa rin kaming Campus Ministry at sa pagkakataong ito ay para naman sa ibang Paaralan dito sa Initao National Comprehensive High School dahil itong umagang Campus Ministry namin ay Manticao National High School.

Dito nga sa pang hapon na Campus Ministry namin ay saktong marami talagang mga estudyante ang nasa labas na ng Classroom subalit abalang abala sila sa kanilang mga ginagawa. Para nga maging legal ang pag pasok namin dito sa paaralan na ito, ang aming Senior Pastor na si Pastor Dodz ay pumunta sa Principal para makapag usap sila at sa napag usapan nila na kailangan ng papers mula sa District Office at gumawa nga si Pastor dahil kinabukasan ay meron din silang lakad papunta sa Cagayan de Oro City kung saan nandoon ang District Office.

Bagamat hindi natuloy nag tawag pa rin kami ng iilang mga estudyante lalong lalo na yong nga kasamahan naming mga youth para makapag alay kami ng mga dasal para sa gawain namin dito sa paaralan na ito at sa iba pang mga paaralan.

photocollage_202212120154943.jpg

Pagkatapos naman ng aming pag alay ng mga dasal para sa mga gawain namin, dahil nga sa maaga pa ay kinuha namin ang panahon para makapag kuha ng mga pictures dito sa Campus, lalo na at kasama namin itong pamangkin namin na masiyahin at higit sa lahat isa sa mga worker namin sa Church bagamat isa pa siyang estudyante ay gumagawa pa rin siya ng paraan para mga gawain ng Dios.

photocollage_2022121201635524.jpg

Kinagabihan naman ay isang masaya at isa sa hindi ko makakalimotang pangyayari sa aking buhay dahil sa unang pagkakataon ay nakasama ko ang buong pamilya ng aking kasintahan sa isang haponan na isinagawa sa isang Restaurant dito sa amin, ang Yahong. Nagpapasalamat nga ako dahil inimbeta nila ako na makasama sa kanilang family dinner, noong una nga ay medyo nahihiya ako kasi nga para ito sa kanilang pamilya pero kinalaunan ay nawala dahil pakiramdam ko naman na welcome ako at tanggap sa kanilang pamilya.

Hindi nga namin pinalampas ang pagkakataon ng aking kasintahan na makapagpa picture dito dahil ito rin ang unang beses na nakasama ko siya sa Restaurant na ito, at naalala ko na noong huling pagpunta ko dito ay hiniling ko na sana balang araw ay makasama ko siya dito at ngayon nga ay natupad na rin sa wakas.

photocollage_20221212030692.jpg

photocollage_2022121201721954.jpg

Ngayon naman dahil nga sa kompleto sila buong pamilya hindi din nila pinalampas ang pagkakataon na makapag picture sila na buong pamilya at salamat sa Dios dahil masaya na rin ako na maging photographer nila. Ilang saglit nga din ay naluto na rin ang lahat ng aming ini order at oras na din ng pagkain namin dahil medyo gutom na rin. Dito nga ay pinagsalohan namin kung ano man ang na order at busog na busog nga ako at kaming lahat.

Labis talaga ang aking pasasalamat sa Dios dahil sa mga pangyayari sa araw na ito, lagi Siyang nandiyan sa akin at sa aming lahat. Mga nasa oras na 8:00 ng gabi natapos at ilang sandali lang din nga ay umuwi na kami ng ligtas at masayang masaya.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 last year 

Praise the Lord!

 last year 

kanindot aning Family dinner with the family ng Minamahal! Ayie! hehe

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 68118.65
ETH 3786.47
USDT 1.00
SBD 3.70