Ang Pag-asa Sa Likod Ng Bukang Liwayway

in Steemit Philippines3 years ago

FB_IMG_1634522819869.jpg
Ako man ay nahihiwagaan sa kagandahang taglay ng bukang liwayway kung saan tatalunin ng liwanag ang kadiliman. Napakagandang pagmasdan ang paligid habang nilalamon ng liwanag ang dilim na maihahalintulad ng dalawang batang nag nag-aagawan ng isang laruan. Sa huling daku, matatalo ng liwanag ang dilim at maghahari si haring araw pansamantala.

Bagama't simpleng tanawin lang ito pero napakalaking bagay ito para sa iba. Ang bukang liwayway ay nagbibigay kaligayahan sa iilan na hindi na madapuan ng ngiti dahil sa mga problema at pighati na pinagdaanan. Ang bukang liwayway ay may kagalakang dala na hindi maipaliwanag ninuman. Ang mensaheng dala ng bukang liwayway sa ating buhay ay ang hindi mawalan ng pag asa. Kung ang buwan at mga tala man ay pinagbigyan ang ang haring araw gayon din yan sa ating buhay. Kung nakakaranas tayo ng delubyo at matinding pagsubok, huwag mawalan ng pag asa at patibayin lalo ang pananampalataya. Dahil may panahon na nasa kadiliman ka at meron ding panahon na nasa liwanag ka. Kung harangin ka man ng mga nagbubundukang pagsubok , harapin mo ng may lakas ng loob. Dahil hindi magtatagal ay magtatagumpay ka rin sa buhay at lahat ng pangarap mo ay matutupad dahil ang mga problema ay hindi mananatili. Ang mga problema ay mawawala rin sa landas natin.

Sa mga taong unti-unti ng nawawalan ng pag-asa laging tandaan na palaging may bagong umaga. Bagong umaga para mangarap, pag hilumin ang mga galos dulot ng mabangis na kahapon. Bagong umaga para patunayan mo sa sarili mo na kahit ilang beses ka pang madapa babangon at babangon ka para sa iyong pamilya at pangarap.

Sort:  
 3 years ago 

Maraming salamat po sa pagbahagi nang iyong post.

Para po sa karagdagang impormasyon, paki bisita po ang ating Community Account at ibang Social Media Accounts.

Featured Contest of the Week: Steemit Philippines Community Contest “Steemit Promotion Through Livelihood Branding”

Greeting from Admin
@loloy2020

God Bless po!!!

Coin Marketplace

STEEM 0.24
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 67396.07
ETH 3510.28
USDT 1.00
SBD 3.15