#Burnsteem 25# The Diary game Season 3 # Making partation of Carwash#

in Steemit Philippines2 years ago

inbound8255727999929381469.jpg

Isang mapagpalang araw po sa lahat ng steemians,ngayon ay araw ng bernes august 12, 2022,ngayon lang po naka pag post uli mga isang linggo din po ako hindi nka pag blog kasi busy po sa trabaho minadali kasi namin tapusin ang project na ito baka kasi yung isang project ng aking kasama ay baka masimulan na,kaya medyo busy. Gumawa kami ng partation kasi may kwarto,comfort room,kusina at may detailing din po ito hindi lang po ito carwash kaya may mga partation po.

inbound3880509687886195855.jpg

Natapos na po ang kwarto pero wala pang finishing kasi gumawa pa kami ng partation para sa dalawang cr kaya marami ang hinalo namin na semento at buhangin para tuloy-tuloy na ang trabaho hanggang tanghali,dalawang sako ng semento at walong sako ng buhangin,pero dahil medyo mabilis ang trabaho namin eh hanggang 10am lang po ay naubos na po namin ang aming masa ng semento,at naghalo naman kami ng isang sako ng semento at apat na sako ng buhangin para pang setting ng hollowblocks. Pagdating ng mga 11:45 ng tanghali ay nag breaktime kami at kumain nang pananghalian.

inbound117106726119923167.jpg

inbound602950599709184805.jpg

Pagdating ng 1pm bago kami ng simula nag sacking mo na kami ng buhangin para diretso na ang pagtrabaho namin,tatlo lang kasi kami ng trabaho ngayon kasi yung isang kasama namin ay absent kasi nag pa enroll. Tapos yung isang kasama pa namin dito ay not feeling well kaya dalawa lang kami ni bro arjie ang bumabanat sa ginagawa namin,kaya medyo pagod din kaming dalawa ng kasama ko,pero laban lang para sa pamilya kahit pagod na ay kinakaya parin. Pagdating ng mga alas 4 ng hapon ay dumating ang engr. Namin at binigay ang plano para sa comfort room,pagdating ng mga 4:50pm ay huminto na po kami sa aming trabaho para mag linis sa paligid at maglinis din sa mga gamit,ginagawa po namin ang paglilinis ay before and after po sa trabaho namin para po safety ang pagtatrabaho. Hanggang dito lang din mo na ako mga ka steemians hanggang sa susunod na blog ko po,salamat sa oras at panahon ng pagbabasa po sa aking kwento. God bless you all.

inbound6483056288025088055.jpg

inbound2473266781061635290.jpg

TO GOD BE ALL THE GLORY.

@louie35

Sort:  
 2 years ago 

Hello @louie25, I'm supposed to recommend this post but when I check your club5050 eligibility, you still need to power up around 27 steem to be eligible for booming support.

Please check.

Best regards,
@long888

 2 years ago 

Ok sir..i will..sorry kau wala ko ka power up sa club5050.

 2 years ago 

Abe nako sir @long888 katong pagkawala sa sbd kay mo direct naman og tunga sa imoa steempower og sa steem na para savings mao nga wala nalang ko nag powerup..paxensiya jud kau sir na misunderstood jud ko..☺️☺️☺️

 2 years ago 

sipag nio pong magtrabaho. ingat po palagi.

 2 years ago 

Salamat po mam @me2selah. God bless po

Coin Marketplace

STEEM 0.28
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 69380.97
ETH 3764.30
USDT 1.00
SBD 3.86